Tom Rodriguez on relationship with Carla Abellana: "I'm a lucky guy!"

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez says his relationship with Carla Abellana still has no label. "For you guys, I said label it whatever you want. Whatever you guys see, that's what it is."


Aliw na aliw ang entertainment press nang ibisto nina Lovi Poe at Max Collins ang pagiging quirky ni Tom Rodriguez.

Sa nakaraan nilang mga taping para sa upcoming GMA-7 primetime series na Someone To Watch Over Me, napansin daw nila ang kakaibang personalidad ng kanilang leading man.

Kabilang na rito ang mga kakaibang interes ni Tom at sobrang hilig nitong matuto ng mga bagong kaalaman.

Dahil dito, natanong tuloy ng press si Tom kung ano ang reaksiyon ng kanyang rumored girlfriend na si Carla Abellana sa pagiging quirky niya.

Sagot ni Tom, “I'm very thankful for Carla because she tolerates my quirks and she finds it lovable.

Naka-tsamba ako! Kaya ako ang suwerte.

Ini-encourage pa niya ako.

Kapag may study time na ganun, she knows what it is, so I'm very thankful.

It's really my addiction, I can't stop it. I love learning new things.”

Kahit may ganito siyang personality, nais isipin ni Tom naipapakita pa rin naman niya ang kanyang pagiging romantic kay Carla.

I would like to think that I am, pero I don't think I'm in the position to be making such claim. Wala ako sa lugar na ako ang magsabi.

Pero every guy naman siguro aspires to be. Hopefully, natse-check yun!” sabay tawa si Tom.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment editors ang tatlong bida ng Someone To Watch Over Me noong Miyerkules, August 17.

STILL NO LABEL. Sa ngayon, wala pa rin daw label ang relasyon nina Tom at Carla.

Ngunit paglilinaw niya, “For us, there's no name.

“For you guys, I said label it whatever you want. Whatever you guys see, that's what it is.”

Tinanong din ang 28-year-old Kapuso actor kung handa na siyang mag-settle down.

“Sana, sana,” sambit ni Tom.

Nang tanungin kung handa na rin si Carla, ngumiti ang aktor at sinabing, “I would hope so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'd like to think that we're on the same page. We're very much on the same page.”

Gayunman, sa tingin ni Tom, hindi pa ito mangyayari sa nalalapit na panahon.

Paliwanag niya, “If I can get my goal all in line, hopefully, soon talaga.

But I want to be able to provide my family first, especially now Dad just got out of surgery because of sickness.

I'd like to take care of those things first.

Pero siyempre, I'll be 29, I'm thinking about those things already.”

Kung sakali raw dumating sila ni Carla sa ganitong punto, ang gustong mangyari ni Tom sa kanyang married life: “Hopefully a happy one, a beautiful one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN