Jasmine Curtis-Smith's mom approves of her boyfriend Jeff Ortega

IMAGE @carmcurtissmith Instagram / Reille Deslate

Jasmine Curtis-Smith on recent vacation with Mommy Carmen and boyfriend Jeff Ortega: "Kami-kami lang. Nag-Pangasinan si Mama, which is so close to La Union na rin. Since I frequent La Union, sabi ko dalhin ko si Mama run. Yun, chill lang kami."


Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Jasmine Curtis-Smith na si Mommy Carmen nang humarap ang dalawa sa taping ng PEPtalk episode noong Miyerkules, Agosto 17.

Dito ay inamin ni Mommy Carmen na “magaan ang loob” at nababaitan siya sa non-showbiz boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

Sabi ni Mommy Carmen nang tanungin kung aprubado niya ang nobyo ni Jasmine, “Oo, approve!”

Sa katunayan, nagkaroon ng pagkakataon si Mommy Carmen na maka-bonding si Jeff nang magbakasyon sila sa La Union kamakailan.

Mismong si Jasmine ay nagbahagi ng larawan ng kanyang ina na kunwari ay tinuturuan ng nobyo ng surfing sa tabing-dagat.

Shorefing. ?????????? ??

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Sino ang nag-organisa ng kanilang bakasyon?

Nakangiting sagot ni Jasmine, “Kami-kami lang.

“Nag-Pangasinan si Mama, which is so close to La Union na rin.

“Since I frequent La Union, sabi ko dalhin ko si Mama run. Yun, chill lang kami.”

Nagsilbi rin itong pagkakataon para maka-bonding ni Jasmine ang ina bago lumipad ang huli pabalik ng Australia.

Dagdag pa ni Mommy Carmen, “It was a very good trip. I enjoyed it.

“Masaya siya. Bonding. Alam mo na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN