Aga Muhlach admits losing weight is the hardest part of his comeback

IMAGE Instagram (@abscbnpr)

Aga Muhlach returns to his home network with a brand new show. He will be a judge in the reality-based talent search Pinoy Boyband Superstar.


“It's good to be back here in ABS. Mangangapa lang muna.”

Ito ang bungad ni Aga Muhlach sa ginanap na presscon para sa kanyang homecoming sa Kapamilya network kahapon, August 18.

Sa nasabing presscon, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, inanunsiyo ang comeback project ng aktor.

Ito ay ang reality-based talent search Pinoy Boyband Superstar, kung saan kabilang si Aga sa apat na judge.

Ang tatlo pa ay sina Vice Ganda, Yeng Constantino, at Sandara Park.

Ikinuwento ni Aga sa entertainment press ang pakiramdam nang muli siyang tumapak sa dating home network, kung saan siya nagtrabaho ng halos dalawang dekada bago lumipat sa TV5.

“Pagdating ko kanina, parang I never left home. It was so normal.

“I've seen old faces, friends I worked with [for] like 19 years.

“I was gone for six years and I didn't work for three years, I stopped.

“So, this is my first day.

“First day ulit akong makahawak ng mikropono, first day akong makunan ng picture, first day akong iinterbyuhin, medyo naiilang ako,” saad niya.

HARDEST PART OF COMING BACK. Maghahanda raw talaga si Aga sa kanyang bagong trabaho bilang hurado.

Pagbabahagi niya, “Ever since naman na naghahanap-buhay ako sa trabaho, sa pag-aartista, my preparation is different.

“Meaning, I'm not really parang sobrang sarado, serious na wala munang mang-iistorbo sa akin.”

Binanggit ng aktor na ang pinakamahirap na parte sa kanyang pagbabalik-showbiz ay ang pagpapayat.

“First and foremost with my weight issue. I've got to prepare for that.

“That's the hardest part so ongoing ito.

“So hopefully, by next month again, while waiting for the second part, I'll get thinner and thinner, and when you get thinner and thinner, you feel better and better.”

Dahil namuhay raw siya bilang ordinaryong mamamayan, hindi naging partikular si Aga sa kanyang hitsura.

“It's hard when you're doing and living a normal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now siyempre, pag nagsu-shoot ka ulit... kasi naka-shorts ako parati, long sleeves.

“E, ngayon, parang kailangan nakasuot ka palagi nang [maayos], kailangan.”

Pero nilinaw ni Aga na excited siya sa mga pagbabago para sa kanyang pagbabalik.

AGA AS A JUDGE. First venture daw ito ni Aga bilang judge ng isang talent search show.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ano ang pakiramdam na makakahilera niya bilang judge sina Vice, Yeng, at Sandara?

Tugon ni Aga, “I think I'm more comfortable with that because I'm working with good, talented people.

“It's not hard. Iba yung if you have your show, ikaw ang magdadala, ikaw lang mag-isa.

“Ito, batikan lahat [ang makakasama ko]. It makes life easier for me.”

Paniniyak ni Aga sa kanyang pagiging hurado, “[I'll] just be real and honest even if it hurts. I will just be me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN