Alden Richards's protectiveness towards Maine Mendoza caught on cam

IMAGE @aldenators_official Instagram

KILIG MOMENTS! Alden Richards got teased about his protective gesture towards Maine Mendoza during Eat Bulaga's "Kalyeserye" segment yesterday, August 18. To which, Maine replied, "May sariling Rogelio pag nandito si Alden."


Kapansin-pansin ang pagiging protective ni Alden Richards kay Maine Mendoza nang bumisita sila sa Barangay Molino 1, Bacoor, Cavite para sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! nitong Huwebes, August 18.

Nahuli sa kamera ang higpit ng pagkakayakap ni Alden sa baywang ni Maine habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada sa lugar.

Hirit ni Senator Tito Sotto, “Panay ang proteksiyon mo, Alden, ha!”

Sabi naman ni Maine, “May sariling Rogelio pag nandito si Alden.”

Ang tinutukoy ni Maine na 'Rogelio' ay ang bodyguards na madalas nagbabantay kay Lola Tinidora, na ginagampanan ng kanilang Eat Bulaga! co-host na si Wally Bayola.

Ang Rogelio ni Menggay.. ????

A video posted by Aldub??Maichard kilig videos (@aldenmainevideos) on

Pati sa "Sugod Bahay" segment ay kapansin-pansin ang pagtaas ni Alden ng off-shoulder top ni Maine nang makita ng binata na naka-expose ang balikat ng dalaga.

Base sa kumalat na video clip ng Eat Bulaga, makikitang bahagya pang nagulat si Maine sa gesture ni Alden.

SWEET KISS. Lalo pang kinakiligan ang insidente kung saan hinalikan ni Maine ang gilid ng mata ni Alden na aksidenteng tinamaan ng payong.

Panunukso ni Tito Sen sa isang bahagi ng "Sugod Bahay" segment, “Tinamaan sa mata si Alden, kawawa naman! Tinamaan, Maine, i-kiss mo!”

Pagkatapos halikan ni Maine ang mata ni Alden ay humirit ang binata na “Meron pa dito!” sabay turo sa labi nito.

Sagot ni Maine, “Hoy, grabe ka! Eto yung tinamaan...”

maichardcoppia "Tinamaan si Alden! Meng! Meng! Kiss mo!" 'PAKASWERTE MO SA DABARKADS, TISOY. Saya ni Tito Sen???? #ALDUB57thWeeksary

A video posted by Aldub??Maichard kilig videos (@aldenmainevideos) on

Sa patuloy nilang pagkukulitan ay napansin ni Maine ang kissmark sa pisngi ni Alden.

Pagpuna ni Maine habang hawak ang mukha ng katambal, “Alden, teka. Bakit may kissmark ka dito?"

Sagot agad ni Alden, “Ano ka ba, sa 'yo galing 'yan!”

Napangiti si Maine, at tila sumang-ayon sa kanyang sumunod na pahayag, “Kakulay ba?”

Yang tataa meng? Sita pa more! Sayo pala galing eh! Hahaha (c) wm

A video posted by @maichardpamore on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN