Aljur Abrenica gives brothers Vin and Allen the boot for their own good

IMAGE Nerisa Almo

"Kailangan din nila na tumayo sa sarili nila. Masakit sa akin pero may nakikita ako na mas maganda. Pero anytime na kailangan nila ng tulong ko, nandito ako, nandito ako," says Aljur Abrenica about sending off his brothers Vin and Allen to live on their own.


Ibang Aljur Abrenica ang humarap sa press kagabi, August 18, pagkatapos ng preview ng kanyang indie movie na Ang Hapis at Himagsik Ni Hermano Puli.

Mature at malalim ang mga pahayag ni Aljur at magaganda ang mga plano niya para sa kanyang mga kapatid.

Epekto raw ito ng kanyang mga realization sa personal at professional life niya.

Kinumpirma ni Aljur na solo na siyang namumuhay sa bahay niya sa Quezon City.

Nakatira na sa isang condominium ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen Abrenica, na parehong sinundan ang yapak niya sa showbiz.

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magdeklara si Aljur ng independence para raw matuto nang tumayo sa sarili sina Vin at Allen.

“Mahirap pag-usapan ‘yan, e,” ang unang reaksyon ni Aljur nang tanungin tungkol sa kanyang desisyong mamuhay nang solo.

“I love my family, kapag uuwi ka, ang sarap na may kasama ka.

“Pero kung iisipin mo, kailangan din nila na tumayo sa sarili nila.

“They understand, they’ve been waiting for me to tell them.

“Masakit sa akin pero may nakikita ako na mas maganda,” sabi niya.

Walang nagtampo sa desisyon niya?

“A, wala, si Allen nasa akin habang bata, pero lilipat din ‘yan.

“He’s seventeen, nung sixteen ako, mag-isa na ako.

“Bilang lalaki, di ba... lahat kaming magkakapatid lalaki, e.

“Gusto ko may kanya-kanya na kami, kaya naming hawakan ang mga sarili namin.

“Yung ginawa ko, para sa kanila, hindi para sa sarili… magkaroon sila ng sarili nilang venture.

“Pero anytime na kailangan nila ng tulong ko, nandito ako, nandito ako.”

Itinanggi ni Aljur na breadwinner siya ng pamilya pero tumutulong siya.

Nakaramdam na ba siya ng pagod sa pagtulong?

“Yeah, oo, hindi siya pagod na pagod, masaya ako na tumutulong.

“Napagod ako kasi it’s about time na hindi na... alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman para matuto sila, para magkaroon sila ng sarili nilang…

“Lalaki sila, si Vin, si Allen, doon sila papunta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN