Director Edgar Mortiz wants to revive the iconic D' Sensations for ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Director Edgar "Bobot" Mortiz wants to revive his pre-Martial Law TV show D' Sensations, with an all-new teen cast. D' Sensations was headlined by Direk Bobot, with then love team partner Vilma Santos together with popular teen idols and comedians in local showbiz during the 1970s.


Ang Goin’ Bulilit na sinimulan ng actor-director na si Edgar "Bobot" Mortiz ay pasampa na sa ikalabing-dalawang taon.

Sa ABS-CBN nga raw, dalawa lang ang madalas na maririnig na tanong mula sa mga baguha: Paano makapasok sa ASAP at paano makakasama sa Goin’ Bulilit?

Sa ngayon, may walong mga bata na bagong miyembro ng Goin’ Bulilit.

Sina Raikko Mateo, Nathan Prats, Vito Quizon, Marc Pingol, Chunsa Jung, Sophia Reola, Cessa Moncera, at Lilygem Yulores.

Paano nga ba sila nakapasok?

“Actually ang hirap, e,” pailing na sagot ni Direk Bobot.

“Ang daming nag-o-audition, siyempre hindi lang naman ako yung nag-a-approve, pati ang management din.

“Kasi karamihan ng nag-o-audition, pinipilit lang ng nanay.

“Pagdating pa lang sa audition, siyempre hindi umaarte.

“Hindi mo makitaan agad kung ito ba e puwede, so mahirap.

“Pero kung yung mga bata, kapag nag-audition, ’Aba, bibo, ‘eto, okey ‘to.’”

May teen-oriented show dati na LUV U na karamihan sa cast, produkto ng Goin’ Bulilit.

Kapag grumadweyt na, may siguradong kapupuntahan.

Ayon sa director, may plano raw talaga silang ibalik ang LUV U pero naging abala siya sa Dolce Amore.

Aniya, “Naging busy ako dahil nag-soap ako, pero since patapos na ang Dolce Amore, gagawa kami ng isang teen show.

“Gusto kong ibalik yung Sensations namin ni Ate Vi [Vilma Santos] dati.”

Ang D' Sensation ay ang pre-Martial Law show ni Direk Bobot at ng ka-love team niya noon na si Vilma. Kasama nila sa show na ito ang ilang sikat na teen idols noon at mga kilalang komedyante't TV hosts tulad nina Ike Lozada, Ben David, at Tony Santos Jr.

“Variety, so mga teens naman ito, i-try natin.

“Baka after ng Dolce, masimulan natin, sana maaprubahan ng management.”

Bilang longest running-kiddie gag show, ano nga ba ang formula o sikreto ng isang Edgar Mortiz?

“Wala, sa amin lang, nakakatuwa ang ginagawa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag tayo ay natatawa na, siguro, matutuwa na rin ang audience natin, yun lang naman ang gusto namin.

“Ipakita sa tao like yung ginagawa ng Bubble Gang e kayang gawin ng mga bata.”

Hindi pa raw nila nagagawan ng impersonation o mga jokes talaga ang pangulo ng bansa na President Rodrigo Duterte dahil sa focus nito ngayon.

Aniya, “Gusto namin si Duterte sana kaso, baka kapag naiba na ang focus.

“Kasi ngayon, crimes and drugs. Mahirap ipagaya sa mga bata, so hindi pa, hindi muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN