Director Edgar Mortiz gets sentimental over Goin' Bulilit graduates who are famous now

IMAGE Noel Orsal

Edgar Mortiz names his Goin' Bulilit wards he is most proud of: "Marami kaming mga batang natulungan na may ambisyong maging artista. Sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo, Ella Cruz, ang dami… Sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas... E, nakakatuwa naman."

 


Ilang teenstars na rin ng Kapamilya network ang sumikat matapos grumadweyt sa itinuturing na longest-running kiddie gag show sa bansa, ang Goin' Bulilit.

Kaya naging sentimental si Direk Bobot nang magkaroon ng press conference para sa mga regular at mga bagong kiddie members ng Goin’ Bulilit o GB na ginanap kamakailan sa 9501 Restaurant.

Lahad niya, “Siyempre, unang-una, masaya ka dahil yung sinimulan mo, na-prove mo na may point.

“Napakinabangan naman ang naisip mo, nakakatuwa at importante sa akin.

“Marami kaming mga batang natulungan na may ambisyong maging artista.”

Tatay-tatayan nga siya ng mga bata at mga naka-graduate na sa GB.

Sa mga teenstars ngayon na nagmula sa kanilang programa, kanino siya pinaka-proud?

“Ay siyempre, sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo, Ella Cruz, ang dami, ‘di ba?

“Sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas... E, nakakatuwa naman.

“Siyempre, sina Kathryn at Julia ang ano namin, pero marami na, halos lahat nanggaling naman sa Bulilit.”

Halos taun-taon naman daw ay may mga miyembrong guma-gradweyt, teenagers na at dahil naiilang na rin, ang mga ito na ang nagsasabi sa kanila.

Paliwanag ni Direk Bobot, “Yung mga babae, napapansin mo, nagkakaroon na ng boobs.

“Yung mga lalaki naman, boses mama na, nahihiya rin sila.

“Siguro kapag nag-high school sila, kinakantiyawan din sila.

“Gina-graduate na rin namin para makapag-level-up sila.”

GUIDELINES. Sa loob ng labing-dalawang taon, hindi sila nauubusan ng mga gags at jokes?

“Marami kaming mga writers at ang pinaglalaruan namin, current events kaya marami kaming nakukuhanang kuwento.”

Naranasan din ng Goin’ Bulilit ang pagkakaroon ng problema sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), pero nalampasan naman nila ito.

Ayon kay Direk Bobot, “Siyempre tayo naman, mga magulang din tayo, alam mo naman ang bawal at hindi.

“Ako naman, sinasabi ko naman sa MTRCB na ang intensiyon lang namin ay magpatawa.

“Wala kaming ibang intensiyon na makasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta may materyales kaming nakakatawa, yun ang importante sa amin.

“Basta natawa ka na, yun na yun, ‘di ba?

“E kaya lang ang iba, kapag hinanapan mo ng nasaktan si Ganito, ang hirap.

“Ngayon, sumunod na kami sa guidelines ng MTRCB.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN