Martial law victims file petition for temporary restraining order against hero's burial of Marcos

IMAGE Mark Atienza

Naghain ng petisyon para sa Temporary Restraining Order (TRO) ang mga biktima ng rehimeng Marcos noong martial law sa Supreme Court ngayong araw, August 19. Umaasa silang papanigan ng korte ang kanilang petisyon na hindi payagang mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.


Maagang nagtipun-tipon sa harapan ng Supreme Court ngayong Biyernes, August 19, ang mga petitioners laban sa pagpapalibing sa dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LnmB).

Layunin ng grupo, sa pamumuno ni dating Commission on Human Rights (CHR) commissioner Etta Rosales, na magsampa ng temporary restraining order upang pigilan ang Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.


Bandang alas-10:30 ng umaga, naisampa na sa Supreme Court ang Application for Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction laban kina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Rear Admiral Ernesto Enriquez, General Ricardo Visaya, at Imelda Marcos (heirs of Ferdinand Marcos).


Maliban kay Rosales, ang iba pang petitioners ng TRO ay sina Hilda Narciso, Zenaida Mique, Fe Mangahas, Aida Maranan, Ma. Cristina Bawagan, Mila Aguilar, Minerva Gonzales, Ma. Cristina Rodriguez, Francisco Rodrigo Jr., Louie Crismo, Liwayway Arce, Abdulmari de Leon Imao Jr., at PEP and YES! editor-in-chief Jo-Ann Maglipon.


Pahayag ni Atty. Barry Gutierrez, “We filed, on behalf of various individuals, many of whom were actually victims of human rights violations during martial law.

“Some of whom are families, of victims of martial law, and one of whom is the son of a national artist, currently buried sa Libingan ng mga Bayani.

“Isang petition for prohibition to prevent the national government to actually authorizing yung burial ni Mr.Marcos sa LnmB.

“To my understanding this is the third of the petitions being filed, for this week, oral argument has been set next week and we hope to be able to participate

“The main contribution namin dito is we add other grounds for the disqualification of Mr. Marcos for the burial.”

Idineklara ni dating Pangulong Marcos ang martial law noong September 21, 1972 at tumagal hanggang January 17, 1981. Pero tumagal pa ito sa puwesto hanggang ma-depose, pati na rin ang kanyang buong pamilya, sa naganap na EDSA revolution nuong 1986.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang idinagdag daw nilang punto sa kanilang petisyon ay ang nakasaad sa konstitusyon, international law, public policy, at ilang 'jurisprudence over the course of the last 30 years.'


Pagkatapos ng pagsasampa nila ng TRO sa Supreme Court, nagsagawa ng isang press conference ang petitioners sa isang kalapit na restaurant.

Dito ay ipinunto ng abugado ng grupo na si Atty. Gutierrez na bakit daw ang isang kriminal, plunderer, human rights violator ay biglaang hihiranging bayani sa pamamagitan ng paglilibing dito sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon naman kay Rosales, parang insulto sa bansa ang nais na hakbang na ito ni President Rodrigo Duterte.

Sabi pa niya, “To honor a dictator is to dishonor his victims.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN