Robin Padilla not in favor of publicly naming showbiz personalities involved in drugs

IMAGE Noel Orsal

Nais ni Robin Padilla na magkaroon muna ng dayalogo sa pagitan ng Philippine National Police at mga representatives ng mga artistang nasa drug list ng Pangulong Rodrigo Duterte. Saad ng aktor, "Sumusunod din po sila sa batas. Kung anuman po ang kanilang kakulangan kung ano man po yung kanilang pagkakamali ay sana po mapag-usapan."


Masasabi mang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin ni Robin Padilla na hindi siya pabor sa napipintong pag-aanunsiyo ng mga pangalan ng showbiz personalities sa publiko na may kaugnayan sa illegal drugs.

Napapabalita kasing sa mga susunod na araw ay papangalanan na ni Pangulong Duterte ang showbiz personalities na diumano ay sangkot sa bawal na gamot.

Pangunahing nilalansag ngayon ng kanyang pamahalaan ang iligal na droga sa bansa.

Sa presscon ng bago niyang endorsement na Bravo Food Supplement kahapon, August 19, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Robin kung payag ba itong magkakaroon ng random drug test sa mga taong nasa showbiz, lalo na ang mga artista.

Tugon ni Robin, “Hindi ako puwedeng magsalita para sa lahat ng artista kasi may kanya-kanya tayong prinsipyo, may kanya-kanya tayong paniniwala, meron tayong kanya-kanyang pakikibaka.

“Hindi ko alam kung paano nila tatanggapin ‘to. Baka para sa kanila paglabag sa kanilang karapatan.

“Basta ako ang masasabi ko lang sa mga mahal kong kapatid sa industriya maging artista man, producer, director, may-ari ng network, kung anuman, wala pong masamang tinapay ang mahal na pangulo sa atin.

“Ang mahal na pangulo po ay magbibigay ng serbisyo sa atin.

“Ito pong ginagawa niya ay para po sa bansa ito, para po sa atin ito.

“Siguro po ang puwede natin ipakiusap ng showbizworld kay Mayor [Duterte] ay yun pong mga pangalan ng mga artista ay huwag muna pong ilabas.

“Sana magkaroon muna ng dayalogo ang mga artista at mga managers sa PNP [Philippine National Police] or kung anumang ahensiya sapagkat ang mga artista po ay tandaan po natin na mga taxpayers din po sila.

“Sumusunod din po sila sa batas. Kung anuman po ang kanilang kakulangan kung ano man po yung kanilang pagkakamali ay sana po mapag-usapan.”

Ayon pa sa actor-TV host, ang ipinaglalaban lang daw niya na karapatan ay yung para sa mga user at hindi ang mga nagtutulak ng droga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Pero hindi po ako nagsasalita para sa mga pusher. Yung mga pusher, e, sori po pero wala kayong lugar. Pero yun pong mga user ay sana po mabigyan sila ng pagkakataon sapagkat sila po ay biktima rin.”

Pero muling nilinaw ni Robin na ang ginagawa ng administrasyong Duterte na paglinis sa bansa laban sa salot ng droga ay kanyang sinusuportahan.

EXTRA-JUDICIAL KILLINGS. Hindi naman naniniwala si Robin na ang pamahalaan ang may pakana sa laganap ngayong extra-judicial killings.

Saad niya, “Nakakatawa naman yun. Tandaan po natin gobyerno po tayo.

“At kailanman man po ay hindi puwedeng maging legal ang isang illegal na pamamaraan sa gobyerno.

“Napakababaw po niyan. Hindi gagawa ng ganyan ang gobyerno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN