BB Gandanghari files petition for change of name and gender in California: "CHANGE is coming!!!"

IMAGE @gandangharibb on Instagram

Change is coming na rin ang gusto ni BB Gandanghari. Nag-file kasi siya ng petisyon sa California upang tuluyan na siyang kilalaning Binibini Gandanghari mula Rustom Padilla.


“CHANGE is coming… Big time!!!”

Ito ang mensahe ni BB. Gandanghari sa kanyang followers sa Instagram ngayong Sabado, August 20.

May kaugnayan ito sa kanyang pag-file ng petisyon sa Superior Court of California upang pormal nang mabago ang kanyang dating pangalan na Rustom Padilla patungong Binibini Gandanghari, ang pangalang kanya na ring ginagamit sa ngayon.

#beingbbgandanghari: CHANGE is coming... Big time!!! ????

A photo posted by gandangharibb (@gandangharibb) on

Nitong nakaraang Huwebes, August 18, hiniling ni BB sa korte ng California na pati ang kanyang gender o kasarian ay palitan na rin mula sa pagiging male ay gawin na itong female.

Taong 2009 nang inihayag ni BB na siya ay isang transgender woman na matapos ang ilang taong pamamalagi sa U.S.

Sa isa pa niyang post, sinabi niyang, “And then... It's really just a matter of time now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN