Newly-elect Calatagan vice mayor Andrea del Rosario bats for tourism promotion in her municipality

Newly-elect Calatagan, Batangas vice mayor Andrea del Rosario pushes for tourism development in her province: "I am very passionate about tourism. We're agritourism and we're at the tip of Batangas, so why not use that strength to somehow put Calatagan in the map?"


Ang paglago ng turismo sa bayan ng Calatagan, Batangas ang isa sa mga pangunahing proyekto ng newly-elected Calatagan vice mayor na si Andrea del Rosario.

Ayon sa former Viva Hot Babe-turned-politician, mayaman ang Calatagan sa mga magagandang tanawin at iyon ang gustong ipagmalaki at pagyamanin ni Andrea para kahit paano ay makapagsimula ng mga bagong negosyo at mabigyan ng maraming trabaho ang mga taga-roon.

“I am very passionate about tourism.

“We’re agritourism and we’re at the tip of Batangas, so why not use that strength to somehow put Calatagan in the map?” pahayag ni Andrea nang makapanayam siya ng programang Tunay Na Buhay ng GMA-7.

CHILD-FEEDING PROGRAM. Isa pang proyekto na matagal nang ginagawa ni Andrea bago pa man siya nailuklok bilang vice mayor ay ang kanyang feeding program para sa mga kabataan ng Calatagan.

Wala pa sa isipan ni Andrea ang pumasok sa pulitika noon, pero madalas na siyang bumisita sa Calatagan para magdala ng pagkain at mga gamot para sa mga bata roon.

Ito raw kasi ang mga bata na madalas na makalaro ng kanyang anak na si Bea kapag nagbabakasyon sila sa Calatagan.

Ngayon ay marami nang gustong tulungan si Andrea sa proyekto niyang ito para sa kalusugan ng mga kabataan sa naturang bayan.

“I was able to solicit some help from friends, so I gave away vitamins.

“I somehow pulled together network of friends who can help out,” masaya niyang balita.

THANKFUL. Since ma-proclaim siya bilang vice-mayor noong nakaraang May 2016, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ginagawa na niya ang magtrabaho bilang isang public servant.

Kapag tinitingnan nga raw niya ang nakalagay sa kanyang lamesa na “Hon. Andrea Anne V. del Rosario, Municipal Vice Mayor,” iba raw ang pakiramdam niya. Parang hindi raw totoo ang lahat.

Heto ang pinost ni Andrea sa kanyang Instagram account:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don't think I'll ever get used to ths.....just weird to be addressed this way ......anyway,thank you for the trust Calataguenos! #purposefullife #upforthechallenge #godswill #municipalityofcalatagan #calataganbatangas #trabaholang”

INSPIRED BY LATE DAD. Naikuwento rin ni Andrea na ang kanyang yumaong ama ang siyang naging inspirasyon niya kung bakit siya pumasok sa politics.

Kuwento niya, “It started when my father passed away.

“He’s the one from here and who lived here.

“He’s not in politics, but talagang I grew up hearing his love for this town. Na-absorb ko talaga.”

SHOWBIZ COMMITMENTS. Hindi pa rin daw tatalikuran ni Andrea ang showbiz kahit na nasa mundo na siya ng politics.

Kabi-kabila pa rin ang guestings niya at ina-adjust niya ang mga ito sa kanyang hectic schedule.

“Hindi naman ‘to lingid sa kaalaman ng tao that we only get a certain amount or we only get paid a certain amount, so siyempre I need to work somehow,” paglinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN