Julia Montes not rushing to level up special friendship with Coco Martin: "'Wag po nating madaliin."

Julia Montes refuses to elaborate on speculations regarding her special friendship with Coco Martin: "'Wag po nating madaliin. Nakaka-pressure po talaga. Grabe po. Relax lang po tayo."


Simpleng kurot, matamis na ngiti at matipid na sagot ang naging reaksiyon ni Julia Montes sa pangungulit sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press tungkol sa kanyang love life, na hanggang ngayon ay nanatili pa ring misteryo sa lahat.

Ito ang kaganapan nang pasyalan siya ng grupo ng entertainment writers sa taping ng kanyang Kapamilya Gold top-rating show na Doble Kara sa isang subdivision sa Commonwealth, Quezon City nitong nakaraang Huwebes, August 18.

Natatawang pahayag ng Kapamiya actress sa mga tukso sa kanya, "Kayo po, ha!

"Steady lang po ako. 'Andito lang po, steady lang."

Ano ang masasabi niya na sa paningin ng mga tao ay silang dalawa na ni Coco Martin, pero itinatago lang nila ito?

Napapangiting tugon niya, "'Wag po nating madaliin.

"Nakaka-pressure po talaga. Grabe po

"Relax lang po tayo."

AVOIDING DISTRACTIONS. Pareho ba sila ng paniniwala ni Coco na kailangang unahin muna ang trabaho bago pag-ibig?

Aniya, "Opo.

"Ang hirap, especially sa parte ko na kambal ang [karakter niya]... hirap po, kasi baka mamaya maligaw, ma-distract.

"Mahirap po, kasi baka mamaya ay mapabayaan ko ang..."

Lalo na nga raw ngayon na nakaka-isang taon na ang Doble Kara at lahat sila ay nagwi-wish na sana ay magkaroon pa ito ng Book 3.

TAKING THEIR TIME AS FRIENDS. Ano ang masasabi niya na kapag nakakausap ng press people si Coco, hindi naman nito itinatanggi na siya ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon?

Sabi ni Julia, "Flattered naman po.

"Kasi kahit ako, kapag ako natatanong, siya naman po ang close ko, siya rin ang..."

Paano raw kung talagang manligaw na sa kanya ang King of Primetime Teleserye. Ano ang chance nito na sagutin niya?

Direktang sagot ng 21-year-old actress, "Kapag nandun na po, saka na po ako sasagot.

"Ang hirap ng mga tanong niya, ang hirap mag...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tagal na naming [malapit sa isa't isa], wala pang Walang Hanggan, may napagtrabahuhan na kami before.

"Then, nagkatrabaho ulit kami sa Ikaw Lamang, at Once Upon A Time."

Mahigit tatlong taon na rin silang magkakilala na para sa iba ay matagal nang sakripisyo sa isang lalaking may itinatanging babae.

Reaksiyon ni Julia, "Sakripisyo talaga?

"Grabe!"

HAPPY FOR SHOW'S CONTINUING SUCCESS. Samantala, hindi maitago ang kaligayahan ni Julia dahil sa first anniversary ng Doble Kara.

Siya nga raw ang Prinsesa ng Kapamilya Gold afternoon block.

Saad niya, "Happy kami na binigyan kami ng mahaba-habang pagsasama naming lahat

"So yun, talagang journey. Ibang journey ang pinagdadaanan ng kambal [sina Kara at Sarah].

"Okey pa naman ako. Pero minsan, parang nagiging emosyonal ako.

"Nagiging sensitive sa mga eksena dahil dalawang characters ang ginagampanan ko, 'tapos parehong may pinagdaanan."

Dugtong pa niya, "Ang sarap kasi, sa simula pa lang ang ganda na ng kuwento.

"Klarung-klaro yung characters ng kambal, so ngayong may dilemma ang dalawa na nag-aagawan sa isang bata.

“Masakit on both, pero klaro ang pagkakasulat.

"So medyo natutulungan din po ako ng pagkakasulat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN