Rommel Padilla not expecting son Daniel to convert to Islamic faith

IMAGE Noel Orsal

Rommel Padilla isn't expecting son Daniel to follow in his footsteps in converting to Islamic faith: "Ako kasi, kagaya ng laging bilin namin sa kanya ng mama niya [Karla], kung ako naging ganun yung aking love life na naging dalawa, e hindi ko ina-advice na sundan niya yung yapak ko. Hangga't maaari isa lang ang maging asawa niya."


Hindi raw pipilitin ni Rommel Padilla ang anak niyang si Daniel Padilla na maging Muslim din katulad niya.

Malaya raw pumili si Daniel at maging ang iba pa niyang mga anak sa relihiyong gusto nila.

Nagpa-convert sa pagiging Muslim si Rommel noong 1999. Nauna namang nagpa-convert ang kanyang kapatid na si Robin noong 1997.

“Nasa kanila iyon kung saan sila naniniwalang relihiyon, kung nasaan yung pananampalataya nila,” sabi ni Rommel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rommel sa launching nila ni Robin bilang mga celebrity endorsers ng Bravo food supplement for men sa event na ginanap noong Agosto 19 sa White House Events Place sa West Avenue, Quezon City.

Isinabay na rin sa press launch ang kanilang contract signing sa Bravo kasama ang Kaufmann Pharma Inc. executives na sina German Panghulan (president and general manager) at Gil Caoili (product manager).

BIG FAMILY. Sa press launch ay nasingit sa usapan ang pagiging Muslim nina Rommel at Robin dahil sa pagkakaroon nila pareho ng higit sa isang asawa.

Ilan ba ang asawa ni Rommel?

Aniya, “Actually, dalawa lang yung nandiyan. Kasama ko pa.”

Kasal si Rommel kay Anabelle Antonio, na ina ng mga artista na ring sina RJ at Matt Padilla.

Si Daniel naman ay anak ni Rommel kay Karla Estrada.

Ilan na ngayon ang kanyang mga anak?

Sabi niya, “Ten.”

Totoo ba yung rebelasyon niya sa presscon na target niyang magkaroon ng 45 na mga anak?

“Aba, kung kakayanin,” sabay tawa niya.

Galing din kasi sa malaking pamilya sina Rommel at Robin dahil 70 raw silang magkakapatid sa amang si Roy Padilla, Sr.

“Well, alam mo kasi kami, dahil lumaki kami sa malaking pamilya, yung mga anak namin natunghayan nila iyon na marami kaming magkakapatid.

“So parang hindi na rin kakaiba sa kanila yung marami kami.”

ADVICE TO DANIEL. Bagama’t may dalawang asawa si Rommel, hindi naman daw niya ina-advice kay Daniel na gayahin ang kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi, kagaya ng laging bilin namin sa kanya ng mama niya [Karla], kung ako naging ganun yung aking love life na naging dalawa, e hindi ko ina-advice na sundan niya yung yapak ko.

“Hangga’t maaari isa lang ang maging asawa niya.”

Pero okey lang ba sa kanya kung sakali't hindi sinasadyang makabuntis si Daniel?

“Oo naman, basta ba iyan ay gawa sa pagmamahalan.

“Kung mauna yung baby, kung kinakailangang magpakasal, pakasal,” payo niya.

So, kailangan pag nabuntis pakasalan?

“Dapat,” diin niya.

Hindi ba puwedeng kasal muna bago buntis?

“E, iyon ang tamang proseso. Pero sa panahon ngayon hindi na laging nangyayari iyon, e.

“Ang mahalaga ay dapat panagutan.”

ON KATHRYN BERNARDO. Masaya lang daw si Rommel sa espesyal na relasyon ni Daniel sa ka-love team nito na si Kathryn Bernardo. Madalas din daw nakikita ni Rommel si Kathryn.

Ano ang nagustuhan niya kay Kathryn?

Pagmamalaki niya, “Napakasimpatikang bata, napakabait, napakatotoo, maganda, lahat nandoon.”

So, gusto na niya si Kathryn para kay Daniel?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Oo naman.

“At saka kung sino ang gusto ng anak ko, gusto namin.”

Nakikita naman daw niya na masaya ang anak niya kay Kathryn. Masaya rin daw siya sa pag-amin ng dalawa na espesyal ang relasyon ng mga ito.

Saad niya, “Natuwa ako nung sinabi nila iyon.

“Kumbaga kahit ano naman ang sabihin nila makikita mo na espesyal sila sa isa’t isa.”

May love advice ba siya para kay Daniel?

“Kailangan pag nakilala na niya na iyon ang babae sa buhay niya, kailangan pagbutihin o pag-ayusin niyang mabuti, para maging iyon na talaga ang kasama niya habambuhay,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN