Mother Lily Monteverde prays for peace of mind, happiness on 77th birthday

IMAGE Noel Orsal

Mother Lily Monteverde feels thankful and blessed as she celebrated her 77th birthday amongst family and close friends in showbiz on Friday, August 19, at 38 Valencia Events Place: "Yeah, parang I feel that this is just the beginning of my life again after I had cancer."


Punumpuno ng mga bisita ang loob at labas ng 38 Valencia Events Place nung gabi ng August 19, dahil sa ginanap na 77th birthday celebration ng maituturing na haligi at institusyon ng Pelikulang Pilipino – ang Regal matriarch at prolific lady producer na si Lily Monteverde, o mas kilala sa tawag na Mother Lily.

Sa edad niyang 77 anyos, nananatiling malakas at masigla si Mother Lily matapos niyang maging matagumpay sa paglaban sa sakit na cancer. Kaya naman pakiramdam daw niya, parang nagsisimula lang siyang muli sa buhay.

“Yeah, parang I feel that this is just the beginning of my life again after I had cancer,” lahad ni Mother Lily nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party niya.

SENATOR GRACE POE. Ayon kay Mother Lily, si Senator Grace Poe (na katabi niya sa table habang kausap siya ng PEP) ang pinakaespesyal na bisita na inaasahan niyang dumating sa kanyang birthday celebration.

Ayon nga rito, “Of course, it’s Senator Grace.

“Because I have to say sorry for her because...”

Si Senator Grace naman ang nagdugtong ng sasabihin ni Mother Lily na wala raw kailangang ihingi ito ng paumanhin dahil lang sa hindi ito nakarating noong 25th wedding anniversary nila ng kanyang asawa.

Sabi naman ni Mother Lily, “I love her.”

Ilan sa mga kaibigan ni Mother Lily sa showbiz at pulitika ang dumating sa kanyang ika-77 birthday.

Karamihan din sa mga namataan ng PEP ay ang mga bagong Regal babies ngayon tulad nina Janella Salvador, Derrick Monasterio, Billy Crawford, Sam Milby, Kean Cipriano (kasama ang misis niyang si Chynna Ortaleza) at marami pang iba.

B-DAY WISH. Ano nga ba ang kanyang birthday wish?

“Nothing,” ang nakangiting sagot ng Regal matriarch.

Pero sabi rin niya, “Peace of mind, happiness.”

Pagdating sa kanyang mga anak, may wishes ba siya para sa mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“With my kids? I think they will be working in Regal already. Semi-retired na 'ko.”

Mas marami raw siyang wishes para sa entertainment industry kumpara sa mga wishes niya para sa kanyang sarili.

Ayon kay Mother Lily, “Mas maraming wishes for the industry.

“We should go further, 'di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN