Matteo Guidicelli says no wedding plans yet with Sarah Geronimo: "That day will come."

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli on prenup agreement: "It depends on the couple. I know couples who agreed on prenup. Some no…. it depends. I can live with it, it doesn't matter."


Sampung taon na sa showbiz si Matteo Guidicelli.

Sa loob ng sampung taon, may mga sarili na rin siyang investments; tulad ng sarili niyang negosyo at may bagong tatag din siyang production company, ang Big Bang.

Pero ayon kay Matteo, marami pa siyang goals o pangarap na gustong magawa.

“You know, it’s not about money or anything, it’s more about self-fulfillment.

“Projects that I want to do in the future.”

Kasama ba sa mga goal niya ang magkasama sila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa mga proyekto o advocacy na ginagawa nila.

Sagot ni Matteo, “Wala pa naman, wala pa naman. Hindi ko pa naman goal ‘yan.

“She does her own things, e. And I believe in the things she does.

“Pero wala pa kaming goal na magkatrabaho kami ngayon. We’re letting each other do our own things.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Matteo sa ginanap na TVC launching niya para sa iniendorsong insurance company na Sun Life. Ginanap ang presscon sa B Hotel noong August 19.

NO WEDDING PLANS YET. Kung tutuusin, kahit sampung taon pa lang sa showbiz si Matteo, may kakayahan na rin siya kung sakaling gustuhin na niyang magpakasal.

Hindi pa ba nila ito napag-uusapan ni Sarah?

“Hindi pa naman!” natawang sagot ni Matteo pagkatapos ng ilang sandali.

Saad pa niya, “Siyempre, pinagdaanan ‘yan.

“But we have to be realistic with ourselves. Being realistic is very, very important.

“But that day will come.”

Bakit may usap-usapang papunta na sila sa pagpapakasal kaya medyo lie-low si Sarah ngayon sa kanyang career?

“Ganun? Dati buntis!” natawang sabi ni Matteo.

“Hindi pa, hindi pa, 26, 28... the time will come I guess.”

Anong edad niya gusto magpakasal?

“Walang assurance, e. Akin na lang yun!” tawa na naman niya.

Nagsabi raw si Sarah na June 12 siya magpapakasal, parang Araw talaga ng Kalayaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun... I don’t know, I don’t know.

“Pine-pressure niyo naman ako!” natawang biro niya.

Seryosong dagdag ni Matteo, “Being married and that chapter of your life is something very serious.

“It’s not a joke. It will come, it will come.

“I think we should not pressure ourselves or anything, it will come kumbaga.”

PRENUPTIAL AGREEMENT. Naitanong din kay Matteo kung napag-uusapan din ba nila ni Sarah ang pagkakaroon ng prenuptial agreement kung sakaling magdesisyon na silang magpakasal.

“I don’t know yet,” nakangiti niyang sagot.

Ano naman ang stand niya sa prenup?

“It depends on the couple. I know couples who agreed on prenup.

“Some no…. it depends. I can live with it, it doesn’t matter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN