Daiana Menezes confirms breakup with ex-CDO Rep. Benjo Benaldo: "Talagang I fell out of love."

IMAGE Instagram

Daiana Menezes explains her reason for breaking up with former Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin "Benjo" Benaldo: "Decision ko talaga iyon. Hindi ko na kayang mag-take ng not emotional stable na tao, na harapin ko siya araw-araw and then iisipin ko na iyan ang makikita ko for the rest of my life. Hindi na, hindi na."


“I’m single again,” ang bungad na pahayag ni Daiana Meneses nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 77th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde sa Valencia Events Place noong nakaraang Biyernes ng gabi, August 19.

Totoo raw na hiwalay na sila ng dati niyang mister na si former Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin “Benjo” Benaldo.

Estima niya, “Halos two years na.

“Kasi hindi naman ako nagsalita tungkol dun, kasi for me bad publicity kapag parating lovelife ang pinag-uusapan.

“So nung nag-start ako sa Deal Or No Deal last year March 2015, dun kami naghiwalay na.”

REASON FOR SEPARATION. Ano ang dahilan ng hiwalayan nila?

“I couldn’t take it anymore. Ako mismo yung…”

So siya ang nakipaghiwalay? Hindi pala iyon naging mutual decision?

“I think naiintindihan din niya, na kung bakit.

“Kasi paulit-ulit din yung away, ganun, so umalis na lang ako. Hindi ko kaya,” saad niya.

Ano ang parte ng relasyon nila na hindi na niya kinaya?

“Emotionally unstable, siguro? I mean hindi siguro talaga kami meant para sa isa’t isa.

“So umalis ako. And then the blessings started coming, I’m working better now,” masaya niyang pahayag.

WORKING ON DIVORCE PAPERS. Inaayos na ba ang annulment nila?

“Oo, maaayos naman, kasi divorce naman siya sa U.S.

“So okay naman siya. It’s just... minsan ayaw naman makipag-cooperate yung isa, yung kabilang part.

“Kasi iyon nga, feeling ko..."

Sa simula ba ay ayaw ng dati niyang mister na maghiwalay sila?

“Daw. Pero sabi niya natanggap na niya ngayon.

“And then I filed my divorce in the States kasi it’s a divorce, it’s not an annulment.

“It was done in Vegas, di ba?”

Ikinasal sina Daiana at Benjo sa Las Vegas noong 2012.

“So I filed it na, and then I also filed a temporary protection order and a restraining order dahil kailangan ko 'yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON FROM THE STORM. So hindi maayos ang hiwalayan nila?

Aniya, “It was at first, and then kasi di ba, everybody knows naman from what… kung ano’ng nangyari sa amin in the past controversies.

“But I wish him well and I hope mag-move on na rin siya, and then magiging peaceful, and then so far okay naman.

“Pero minsan may mga moments na…”

Ano ang worst na sinabi ni Benjo sa kanya?

Sabi niya, “Yung mga parang ano daw, basta may mga things na pati sa mama ko na napakasakit tanggapin kapag sinasabi niya.

“Or yung palalabasin [ipapa-deport] ka sa bansa na ito which... wala namang rason, di ba?”

Ano ang pinakamasakit na sinabi sa kanya ng dati niyang mister?

Patuloy niya, “Ang sinasabi niya na umalis ako dahil sa pera, dahil wala na siyang pera.

“Hindi naman kasi iyan ang rason dahil nag-stay naman ako sa kanya kahit bankrupt na bankrupt na siya.”

Bago iyon, ano ang pinakamakasakit na ginawa sa kanya nito kaya siya nagdesisyon na makipaghiwalay?

Pag-amin niya, “Talagang I fell out of love.

“Decision ko talaga iyon.

“Hindi ko na kayang mag-take ng not emotional stable na tao, na harapin ko siya araw-araw and then iisipin ko na iyan ang makikita ko for the rest of my life.

“Hindi na, hindi na.”

Was there physical violence?

“Ayoko na lang magsalita, pero di ba… iyon na iyon, parang nangyari din yun.

“So umalis ako last March 2015.”

Divorce lang ang habol ni Daiana?

Pagsang-ayon niya, “Meron akong naka-file pero I hope naman parang between kami lang dalawa.

“Pero iyon nga, andito na ako, nagsalita na ako, pero yeah meron akong na-file na protection order lang para to protect lang me and my mom, kasi my mom stays in the Philippines also.”

NO REGRETS. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pinagsisihan ni Daiana ang pakikipagrelasyon sa dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, because … pinagsisihan ko yung sarili ko, na ang tagal ko mauntog,” at natawa ang Brasilyana.

“Parang naka-helmet.

“Ang tagal ko mauntog, parang dapat umalis ako nung dati pa, nung nakita ko na may konting... alam mo yun.”

SINGLE. Sa ngayon ay wala raw siyang karelasyon pero handa siya na makipag-date.

Lahad niya, “I’m open for it, I’m open for it.

“Meron akong suitor, non-showbiz.

“Merong mga showbiz pero ayoko, parang huwag na yung magulo, huwag na yung mga kilala, alam mo yun?

“Pero ang focus ko ngayon is meron kasi akong bagong show na reality show coming up, tapos ako po yung host.”

NEW TV SHOW. Ayaw pa muna i-reveal ni Daiana kung anong TV network ito mapapanood pero nang nabanggit ang TV5 ay tumawa ito.

“Basta you will know by September, lalabas na siya and I’m very excited dahil ako po yung host nun.”

Kung makakaharap niya si Benjo, ano ang sasabihin niya dito?

Pakiusap niya, “Please, just cooperate with the divorce, kasi ako yung... kumbaga, ako yung nagbayad ng lahat, ako yung umayos ng lahat.

“Alam ko na gusto niya rin iyon e, kasi wala na, wala na kami talaga, matagal na.

“So what’s stopping you from letting me go legally kung wala na talaga tayo?

“Just please leave me and my family alone, leave me and my mom alone.

“If you love God just please stop threatening us, mga ganun.

“Ayoko na kasi parang… masakit din, e!”

Hanggang ngayon raw ay may takot na nadarama ang ina ni Daiana.

“Si Mama, yes!

“Ako medyo lang, kasi alam ko naman yung law dito sa Pilipinas, poprotektahan naman nila yung mga babae.”

Kaya hindi siya nagdesisyon na umalis ng Pilipinas?

Deklara niya, “Ay, hindi talaga ako aalis ng Pilipinas dahil sa isang lalaki, dyusko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No! Pinaghirapan ko yung career ko dito, di ba?”

Ipinagpasalamat ba ni Daiana na hindi sila nagkaanak ni Benjo?

“No, blessing ni Lord 'yan, kasi three years kaming nag-try at hindi nangyari, so I think there’s a reason for it,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN