Rocco Nacino says breakup with Lovi Poe not mutual

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino on breakup with Lovi Poe: "Nagulat din po ako sa lahat ng mga pangyayari, but tinanggap ko lahat. Ang sa akin lang, I try to think of other people before myself. If she's happy that way, I will give it to her."

 


Ang pagsagot ni Rocco Nacino sa lahat ng mga tanong tungkol sa breakup nila ni Lovi Poe ang isang malinaw na palatandaan na hindi na siya apektado ng kanilang paghihiwalay.

Nakausap si Rocco ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon kanina ng Oh, Boy!, ang concert nila nina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio at Jake Vargas sa Music Museum sa September 23, at sa kauna-unahang pagkakataon, sinagot niya ang mga tanong na may kinalaman sa split-up nila ni Lovi.

Inamin ni Rocco na iniyakan nito ang nangyari sa relasyon nila ni Lovi pero nakatulong ang mga kasamahan niya sa Encantadia para mapadali ang kanyang recovery.

“Well, it happens.

“But you know, decisions have been made. I respect both our decisions basta kung saan siya masaya,” pahayag niya.

NOT A MUTUAL BREAKUP. Mutual decision ba ang breakup nila?

Tanggi niya, “No.”

Nabigla ba siya?

“Of course.

“It’s a bumpy road, but I’m getting better everyday.

“Nagulat din po ako sa lahat ng mga pangyayari, but tinanggap ko lahat.

“Ang sa akin lang, I try to think of other people before myself.

“If she’s happy that way, I will give it to her.

“Okey na ako actually, it’s been quicker and easier.

“May mga bagay-bagay na nalaman at na-realize,” pahayag pa niya.

UNFINISHED MOVIE. Iginiit naman ni Rocco na dahil may unfinished movie pa sila na ginagawa ni Lovi, ang Lakambini, gagawan daw niya ang lahat para lang magampanan ang kani-kanilang professional obligations.

“Definitely, I will be professional, ewan ko sa kanya.

“Very civil ako. I will be there to work,” sagot ni Rocco, na sinabi ring hindi na niya nakausap si Lovi mula noong naghiwalay sila.

DID LOVI REKINDLE TIES WITH EX-BF? Poker-faced si Rocco at hindi kaagad sumagot sa tanong kung may katotohanan na isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ang diumano'y pakikipagkita ni Lovi sa ex-boyfriend nito na si Ronald Singson, kahit may relasyon pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa kami nagkakausap ni Lovi.

“I think she’s happy. That’s good enough for me.

“Obviously, she’s looking beautiful now. She seems happy,” pahayag ni Rocco na wala raw nararamdaman na galit.

Ganunpaman, tila makahulugan ang binitiwan niyang salita na “I’m okay, tinanggap ko lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN