Angel Locsin and Marian Rivera exchange messages about Darna

IMAGE Instagram

Angel Locsin and Marian Rivera compliment a drawing which features them donning Darna costume, the Pinay superhero that they both portrayed in two separate primetime series in the Kapuso network.


Nagkapalitan ng mensahe, sa pamamagitan ng Instagram, sina Angel Locsin at Marian Rivera nitong weekend.

Ito ay matapos i-share ni Angel ang caricature nilang dalawa dalawa ni Marian na naka-costume ng Darna.

Sa caption ng nasabing Instagram post, itinag ni Angel si Marian.

Ayon kay Angel, nakita lang niya ang naturang caricature dahil naka-tag siya rito.

Look @therealmarian ???? nakita ko lang sa tag photos ko???? #Avon artwork by @marvin2ta

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Sumagot naman sa comments section si Marian at sinabing “cute” ang nasabing photo.


May hawak ding lipstick ang dalawang caricature, dahil endorser na rin si Marian ng cosmetics brand na matagal nang iniendorso ni Angel.

Unang ginampanan ni Angel ang role ng Pinay superhero sa GMA primetime series noong 2005, at ginampanan naman ito ni Marian noong 2009.

Nababalitang magkakaroon ng bagong film version ang Darna at matunog ang pangalan ni Angel na gaganap mula sa classic Pinay superhero role na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN