Filipino-Indian model wins Man of the Year pageant in Indonesia

IMAGE Facebook

Filipino-Indian model Karan Singhdole represented the Philippines and won the first Man of the Year title held in Indonesia last August 20. Karan was a semifinalist in the "You're My Foreignoy" contest of Eat Bulaga! in 2014.


Ang Filipino-Indian model na si Karan Singhdole ang nanalo sa kauna-unahang Man of the Year pageant na ginanap sa Grand Central Hotel, Pekanbaru, Indonesia, noong August 20.

Ang 23-year old full-blooded Indian and hotel and restaurant management student ay ipinanganak at lumaki sa Sta. Rosa, Laguna.

Tinalo niya ang ibang contestants mula sa iba’t ibang bansa.

Ang runners-up niya ay sina Tarek Moaykel ng Lebanon (1st runner-up), Tim Bertrams ng Netherlands (2nd runner-up), Tr?nh Xun Nh?n ng Vietnam (3rd runner-up), at Meirizal Rifa’i ng Indonesia (4th runner-up).

Si Karan ang ikalawang representative ng Pilipinas na nanalo ng title sa isang international male pageant.

Noong 2014, nanalo ang police officer na si Neil Perez sa Mister International na ginanap sa Ansan, South Korea.

Noong 2015 naman ay itinanghal na first runner-up ang model/rugby player na si Andrew Wolff sa Mister World na ginanap sa Kent, England.

Si Karan ay naging contestant at semi-finalist sa “You’re My Foreignoy” contest ng Eat Bulaga! noong 2014.

Na-feature din siya sa 2013 Cosmopolitan Bachelors.

Fluent siya sa limang lengguwehe: Filipino, English, Punjabi, Bengali, at Hindi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN