Dulce lambasts Senator Leila de Lima: "Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident."

IMAGE From Dulce Amor Cruzata on Facebook

Hindi napigilan ng singer na si Dulce na maglabas ng kanyang hinaing laban kay Senator Leila de Lima, na nagamit diumano ng kanyang mga kapartido. Sabi ni Dulce, "Tama na, nagamit ka na ng husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue."


Isang mahabang post ang ibinahagi ng beteranang singer na si Dulce sa kanyang Facebook account kahapon, August 21.

Ito ay tungkol sa dating Department of Justice (DOJ) secretary at ngayo’y senador na si Leila de Lima.

Sa unang bahagi ng kanyang post, sinabi ng singer kay Senator de Lima na tigilan na nito ang kanyang pagtapang-tapangan at paghahamon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bangayan.

Lumala ang alitan ng dalawa nang ibunyag ng pangulo ang diumano’y relasyon ni De Lima sa kanyang driver-bodyguard, na siya rin diuamanog bagman ng drug money mula sa Bilibid.

Sabi ni Dulce, “Simula't simula sinabi nang bumitaw ka at huwag nang magsalita, kahit sikreto na lang sana isinuko mo na, heto na at lumalala, naghahamon ka pa!

“Ano? Nagpa-panic? Umiiyak? at Nagmamakaawa daw??? Yung angas n'yang yun?, nadidiktahan ka pa nga.

“Gusto ko mang maawa pero katotohanan ang kailangang lumabas.

“Tama na, nagamit ka na ng husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay-sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue.

“Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident hindi ka nila kayang protektahan, only the truth can protect you.

“Marami na kayong pinahirapan, marami nang buhay ang nasira pero tila wala ka nang pakialam, naging manhid ka na at hindi mo ramdam ang sakit at bigat na nararanasan ng libo-libong pamilyang biktima ng droga.

“Inalis at tinerminate mo ang mga taong tapat sa kanilang trabaho dahil lang sa ayaw sumabay sa inyo sa gusto ninyong mangyari, gusto n'yo itikom na lang mga bibig nila basta tanggap na lang milyones galing sa druglords?”

"HUWAG MAGPAKA-BULAG, PIPI, AT BINGI." Kasunod na binatikos ni Dulce ang diumano’y pagkunsinti ni Sen. De Lima sa paglipana ng ilegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP) noong DOJ secretary pa ito.

Saad niya, “Sorry ha, hindi talaga kaya ang magpaka BULAG PIPI AT BINGI at ipagkanulo ang bayang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n'yo ng buhay ng ibang tao.

“Kaya ang pinakamadaling paraan ay tanggalin na lang para walang hadlang sa mga ginagawa ninyo, di ba!?

“Nasaan na ang sinasabi mo sa sambayanan na 'I LOVE YOU...'???

“At the back of your mind pala 'I WILL KILL YOU' dahil tuloy tuloy pa rin ang paglipana ng pabrika ng shabu while you served as head of the DEPARTMENT OF JUSTICE???!!!”

Sa huli, sinabi ng singer na hindi pa huli ang lahat upang malusutan ng senadora ang laban na kanyang sinuong.

Dagdag pa niya, “Nasaan ang hustisya!!! What have you done to your family's good name?

"I pray you'd be jolted out from your slumber, and hope it's not yet too late. I pray for redemption.”

May mga iba pang post si Dulce tungkol sa diumano’y driver-bodyguard ni Sen. De Lima.

Hanggang ngayon ay hindi pa nililinaw ni Sen. De Lima ang ugnayan nila ng kanyang driver-bodyguard. Masyado raw itong personal upang pag-usapan pa sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN