Bianca Manalo to meet Fabio Ide's family in Brazil in December

IMAGE @biancamanalo Instagram (inset) / Mark Atienza

Bianca Manalo on stronger relationship with boyfriend Fabio Ide: "Imi-meet ko pa yung family niya in December. We'll go to Brazil. One month kami mag-stay dun. Kasi ang hirap naman bigla na lang kaming magpapakasal dito hindi ko pa kilala yung family niya."


Inamin ni Bianca Manalo na napag-uusapan na nila ng kanyang Brazilian-Japanese boyfriend na si Fabio Ide ang tungkol sa pagpapakasal.

Sabi ng beauty queen-turned-actress nang tanungin kung handa na ba sila ni Fabio na lumagay sa tahimik:

“Yes, we talk about it. Pero, as of the moment, siyempre enjoy [muna]. If it happens, it will happen.”

Masaya ring ibinalita ni Bianca na plano ni Fabio na pormal siyang ipakilala sa pamilya nito sa Brazil. Patunay daw ito na seryoso talaga sila sa kanilang relasyon.

“Imi-meet ko pa yung family niya in December. We'll go to Brazil. One month kami mag-stay dun.

“Kasi ang hirap naman bigla na lang kaming magpapakasal dito, hindi ko pa kilala yung family niya.”

Aprubado naman ng pamilya ni Bianca ang relasyon nila ni Fabio.

“My family loves him. Mabait kasi siyang tao. Sino ba naman ang hindi magmamahal sa kanya?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa The PEP List Year 3 Awards Night, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel, sa Ortigas, Quezon City, Linggo ng gabi, Agosto 21.

Magkakasama sina Cherry Pie Picache, Bianca, Nico Antonio, Albie Casino, Bailey May, Ylona Garcia, at director Jojo Saguin na tumanggap ng Primetime Series of The Year award para sa ABS-CBN primetime teleserye na On The Wings of Love.

Primetime Series of the Year: On The Wings of Love #peplistyear3

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

EURO TRIP. Samantala, ikinuwento rin ni Bianca ang tungkol sa bakasyon nila ni Fabio sa iba't ibang lugar sa Europe kamakailan.

Aniya, “Super happy! We've been there for three weeks. Nakabalik kami last week so talagang sagad na vacation.”


Paborito raw ni Bianca ang Rome at Paris.

“Very relaxed [sa Rome]. Nandun din yung Vatican. I had the chance to pray.

“[Sa] Paris maganda, pero siguro babalikan ko siya two years from now.

“Pero kung Rome, puwede ako bumalik next month. Ganun siya kaganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Paano mas tumibay ang kanilang relasyon matapos ang kanilang bakasyon?

Sagot ni Bianca, “Tinuruan ko siya na kapag first time mo sa isang simbahan, magwi-wish ka.

“Hindi niya alam yun, e. Nagpri-pray kami parati.

“Tapos mini-make sure namin na yung mga tourist spots, pupuntahan namin sa Paris. Yung top 10 sa Google, pinuntahan namin lahat yun.

“So, talagang happy. Nag-bond talaga kaming dalawa.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN