Cayetano hits De Lima over misleading tag about extrajudicial killings under Duterte administration

IMAGE Mark Atienza / Glen Sibonga

An excerpt from Senator Alan Peter Cayetano's opening statement on the first day of Senate probe on extrajudicial killings under President Rodrigo Duterte's administration: "Sa araw-araw na patayan sa Aquino administration na 35 [kada araw], mahigit 1400, 394 lang ang clinassify nila as extrajudicial killings. Pero sa umpisa pa lang ng hearing na ito kung anong numero na ang naririnig natin, e. Did they clarify which ones are extrajudicial or not? Which ones are common criminals."


Inalman ni Senator Alan Peter Cayetano ang diumano'y paninira sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte kaugnay ng isyu hinggil sa extrajudicial killings.

Sa kanyang opening statement sa Senado ngayong araw, Agosto 22, kinuwestiyon ni Cayetano ang umano'y maling pagbansag ng extrajudicial killing sa bawat biktima ng pagpaslang sa bansa.

“Are we using the term extrajudicial killings loosely to discredit the PNP and the Duterte administration?

“Whether it is the Commission on Human Rights [CHR] or our dear chairperson [Leila de Lima]. I was hoping that they would educate the people more and the media, para hindi sila ma-mislead na lahat ng patay ay extrajudicial killings.”

Lalo pa't pirmado raw mismo ni Senator Leila De Lima, na dating Department of Justice (DOJ) Secretary, ang Administrative Order 35 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Paglalarawan ni Cayetano sa depinisyon ng extrajudicial killings alinsunod sa A.O. 35:

“Dito po, ang importante, the victim was a member or affiliated of an organization to include political, environmental, agrarian labor, or similar causes.

“An advocate of the abovenamed causes, media practitioners etc.

“Ibig sabihin po, labor leader ka, media ka, religious leader ka. Pinatay ka dahil sa paniniwala mo...

“Ang common criminals at crimes [nila], hindi kasama sa extrajudicial killings.”

Si Senator De Lima ang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ngayong araw nagsimula ang imbestigasyon sa Senado hinggil sa diumano'y pagiging talamak ng "extrajudicial killings" at "summary executions" sa administrasyong Duterte.

APPEAL FOR FAIR INVESTIGATION. Gayunman, ipinakita ni Senator Cayetano ang statistical data kung saan nakasaad na 35 kada araw ang namatay sa ilalim ng administrasyong Aquino, habang 20 kada araw ang namatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Balik-tanong ni Cayetano, “Sa araw-araw na patayan sa Aquino administration na 35 [kada araw], mahigit 1400, 394 lang ang clinassify nila as extrajudicial killings.

“Pero sa umpisa pa lang ng hearing na ito kung anong numero na ang naririnig natin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Did they clarify which ones are extrajudicial or not? Which ones are common criminals?”

Dagdag pa ni Cayetano, mismong CHR daw ang nagsabing “unresolved” ang mga kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Presidente Aquino.

Aniya, “E, ba't hindi muna yun ang imbestigahan natin bago tayo yung ngayon? O, okey lang dati, ngayon masama?”

Sa huli, umapela rin si Cayetano sa media na maging patas sa paghayag ng impormasyon hinggil sa isyu.

Lalo pa't nilinaw daw ni Pangulong Duterte at PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa na hindi sila pabor sa extrajudicial killings.

Aniya, “Sana sa mga interviews, sa mga kapatid natin sa media, maging fair din. Kasi panay ang report niyo na gusto ng pangulo at PNP ng extrajudicial.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN