PEP EXCLUSIVE. Albie Casiño, Andi Eigenmann friends again?

IMAGE Mark Atienza

Nakakahinga na raw nang maluwag si Albie Casiño ngayong nagkaayos na sila ng dating kasintahang si Andi Eigenmann. Sabi ni Albie, "Tapos na ako stage na yun. So just moving forward with my life, tagal din nun, e."


Parang nabunutan daw ng tinik sa dibdid si Albie Casino sa balitang wala nang sama ng loob sa kanya ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Pahayag ni Albie, “Nakaka-relief… relieving. Tapos na ako stage na yun.

“So, just moving forward with my life, tagal din nun, e.”

Ilang taon ding nagkaroon ng bangayan sa pagitan ng dalawa na humantong pa sa hamunan ng pagpapakuha ng DNA test kung si Albie nga ba ang ama ng anak ni Andi.

Watch: Andi Eigenmann is now friends with Albie Casino

Nagkaroon ba siya ng trauma dahil palagi siyang napag-uusapan noon sa mga panayam sa aktres?

Ayon kay Albie, “I don’t read her interviews. I don’t watch her interviews, parang whatever she say, it’s up to her.

“I bumped into her once, that’s the only communication we had.

“Pero I’m not the person who holds grudges, I guess, di ba?

“Parang negative energy lang sa 'yo yun, e.

“So, I’d rather let everything go and be nice to everyone.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie The PEP List Year 3 Awards Night, nitong Linggo, August 21, sa Crowne Plaza Hotel.

Kabilang si Albie sa cast ng On The Wings of Love na tumanggap ng Primetime Series of the Year award.

Read: #PEPListYear3: AlDub named TV Stars of the Year; KathNiel voted Movie Stars of the Year

“NICE TO BE BACK.” Ang On The Wings of Love ng ABS-CBN ang itinuturing ni Albie na naging daan upang makabalik siya sa limelight.

Hindi naging maganda ang epekto sa kanyang karera ang hidwaan nila ni Andi noon.

Aminado naman dito ang aktor, pero para sa kanya, nagpapakatotoo lang siya.

Saad niya, “Wala naman, very thankful lang.

“Yung sa image naman, parang hindi naman kasi… parang I can’t dictate what the public think of me, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just being myself. And some people think that I’m arrogant or whatever, pero it’s okay with me, di ba?

“I’m just trying to be myself, I'm not trying to be a fake person.”

Noong kasagsagan ng kasikatan ng OTWOL, bigla raw nagkaroon ng pagbabago sa kanyang lumalamlam na karera.

Saad niya, “Name recall, andun na ulit. For a while, I wasn’t on the limelight.

“Nice to be back, parang nakikilala na ulit ako ng mga tao. So, it’s very nice.”

Si Albie ay kasalukuyang bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ipinagpapasalamat daw niya na sa pagtatapos sa ere ng matagumpay na OTWOL ay nakasali siya sa isa sa pinaka may mataas na rating sa primetime ngayon.

Aniya, “Super-saya ko kasi there were a few times na dapat mag-guest ako, pero hindi lang natutuloy.

“Number one rating show siya in the Philippines so I’m happy to be part of Probinsyano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN