Onyok feeds rumor about Coco Martin and Julia Montes being an item: "Secret lang."

IMAGE Glenn Regondola

Onyok has plans for his future: "Yung unang-una po, pang-school, tapos magbi-business kami, tapos bahay na."


“Si Ate Julia.”

Ito ang pabirong sagot ng child star na si Simon Ezekiel Pineda, na mas kilala ngayon bilang si Onyok, sa tanong kung sino sa tingin niya ang girlfriend ng kanyang 'kuya' na si Coco Martin.

Sina Onyok at Coco ay magkasama sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Julia Montes naman ang nauugnay ngayon kay Coco.

Bakit niya nasabi ito?

Sagot ni Onyok, habang nagkakatawanan ang lahat, “E, kasi po nakikita ko sa Instagram.

“Sa picture lang po, pero nakikita ko po dun sa Instagram niya, nagkikita sila ni Ate Julia.”

Paglilinaw naman ng ina ni Onyok na si Mary Ann Nulos, ang tinutukoy ng bata ay lumang picture pa nina Coco at Julia nang magkasama ang dalawa sa teleseryeng Walang Hanggan.

Gusto ba ni Onyok na magkatuluyan ang kanyang Kuya Coco at Ate Julia?

Sagot niya, “Opo, secret lang.”

Ayon pa sa kanya, bagay naman daw ang dalawa.

Nakausap ng entertainment media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Onyok sa pocket presscon ng Hammerhead Kids na ginanap sa El Pan Cada Dia Panaderia, sa Sct. Tobias, Quezon City.

LIFE SAVER. Close nga raw sina Onyok at Coco sa isa't isa. Bakit kaya mahal siya ng King of Primetime Teleserye?

“Kasi po, sobra niyang bait, ibinigay niya po sa akin yung lightsaber [Star Wars].

“Tapos sabi niya sa akin, 'Kapag may nang-away sa iyo, sabihin mo, ha? Pupuntahan ko. Aanuhin ko yun, bubugbugin ko.’

“Sabi, ko, ‘Huwag naman po, Kuya Coco, baka masaktan lang siya!’” natatawang sabi ni Onyok.

Samantala, inalam ng PEP kung saan napupunta ang kanyang mga kinikita mula sa pag-aartista.

Tugon niya, “Iniipon ko po, naglalagay po ako sa alkansiya.

“Yung iba po, bumili po kami ng kotse lang, pero Ford Everest.

“Kasi napapagod kapag naglalakad kami, nagta-taxi kami, magastos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahay, nakabili na ba siya?

Mabilis niyang sagot, “Nag-iipon na po kami.

“Yung unang-una po, pang-school, tapos magbi-business kami , tapos bahay na.”

SHOWBIZ CRUSHES. Bakit niya nakahiligan ang mag-artista?

Ayon kay Onyok, “Kasi nung unang-una po, hindi ako mahilig mag-artista.

“'Tapos, nung nasanay na ako, masaya na masaya na ako.

“At saka, kahit pagod ako, nagku-concert po kami ni Kuya Coco.”

Ano ang pakiramdam niya na sikat siya ngayon?

“Masaya po, minsan pa may nagpapa-picture po sa akin, masaya po.”

May crush na ba siya sa showbiz?

“Wala pa,” sabay bawi na, “Crush ko po si Ate Meg [Imperial].

“Mahilig ako sa maganda.”

Dati raw ang crush niya ay si Bela Padilla.

“Nagselos po ako sa boyfriend niya [Neil Arce], kaya ayaw ko na,” sabi ni Onyok.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN