Timothy Tan to reveal the 'truth' about relationship with Clarisma Sison

IMAGE Mark Atienza

Isa sa mga araw na ito ay haharap daw si Timothy Tan sa press upang isiwalat ang totoong ugnayan nila ni Clarisma Sison, ang babaeng dahil diumano ng paghihiwalay nila ng aktres na si Sunshine Dizon.


May panibagong development sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Sunshine Dizon, Timothy Tan, at Clarisma Sison.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Timothy kagabi, August 22, at sinabi niyang haharap siya sa press isa sa mga araw na ito.

Ayon sa estranged husband ni Sunshine, may isisiwalat siya tungkol kay Clarisma.

Si Clarisma ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay sina Sunshine at Timothy.

Sasabihin daw ni Timothy kung ano talaga ang namagitan sa kanilang dalawa ni Clarisma.

Isa na rito ang magkasama silang lumalabas ng bansa.

Kailangan daw malaman ng lahat kung ano ang dahilan ng out-of-the-country trips nila ni Clarisma.

Kasama ni Timothy na haharap sa press ang legal counsels niyang sina Atty. Ruth Castelo at Atty. Peter Sanchez.

Sabi pa ng mister ni Sunshine, “Gusto ko nang malaman ng lahat ang buong pangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN