Tamang-tama ang pagbabalik ng reel-turned-real life couple na sina Nadine Lustre at James Reid sa selebrasyon ng birthday ng mommy ni Nadine kahapon, August 22.
Sa Instagram post ng ina ni Nadine na si Myraquel Lustre, makikitang kasama ni James na dumalo sa salu-salo ng pamilya Lustre ang kanyang kapatid na si Lauren Reid.
Nasa naturang pagdiriwang din ang tatay ni Nadine na si Dong Lustre at kanyang mga nakababatang kapatid.
Kababalik lamang nina James at Nadine mula sa Greece kahapon, kasama ang kanilang Till I Met You co-star na si JC Santos.
GREAT TO BE BACK ??
— Nadine Lustre (@hellobangsie) August 22, 2016
Ang naturang primetime series ay magsisimulang umere sa ABS-CBN sa August 29.
#TIMYGrandPreview https://t.co/7R1rUhCSSZ
— James Reid (@JayeHanash) August 19, 2016