Tom Rodriguez reveals his father's fight with cancer

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez on his 76-year-old father's battle with lung cancer: "He's recovering, he's a fighter, grabe! Sobrang bilib ako. Kung ano yung takot ko dati dahil never pang pinagdaanan namin ito as a family, lalo pa sa pinakamatapang sa aming lahat, na makita namin iyon, kung ano yung takot ko dati, mas lalo akong nabuhayan ng loob kasi nakita ko kung gaano katapang ang tatay ko."


Inamin ni Tom Rodriguez na may lung cancer ang kanyang ama.

Ito raw ang dahilan kung bakit nais muna niyang ayusin ang ilang bagay na may kinalaman sa kanyang pamilya bago lumagay sa tahimik.

Pahayag ng Kapuso actor, “Siyempre, once I get everything all in order, for example my mom and dad, pag malampasan namin yung ano…

“My dad went through ano, e, this past year, been battling cancer.

“So, iyon yung sinabi ko kay Daddy, ‘Hey, you better get ano, hurry up, magpagaling ka because I wanna take you here.’

“Yung dream niyang bahay sa Subic where he spent a lot of his time din.

“Iyon ang pinagtatrabahuan ko ngayon.”

Balak daw bilhin ni Tom ang naturang bahay para sa parents niya, kaya medyo isinasantabi muna nila ng girlfriend niyang si Carla Abellana ang anumang usapin tungkol sa kasal.

Paglalarawan pa ni Tom sa kanyang ama, “He’s fighting and he’s… what a trooper!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa grand launch ng upcoming primetime series ng GMA Network na Someone To Watch Over Me, nitong Lunes, August 22, sa Le Reve Events Place, sa may Quezon City.

A FIGHTER. Nagbigay rin ng detalye si Tom sa cancer na dumapo sa kanyang ama.

“It’s a poorly differentiated carcinoma, it’s a sarcoma.”

Anong stage na?

“Ano kasi, si Daddy kasi, siya yung pinakamatapang na taong kilala ko.

“So, nung naramdaman niya yung sakit, nung nandito siya [sa Pilipinas], nung bumisita siya sa akin, ininda niya lang.

“Akala niya muscle pain, na-pull lang yung muscle.

“So, for six months, hindi niya tsinek.

“Nung na-check, progressive na pala, ang laki na nung growth!

“Na sabi, 8X12, pero nung tinanggal pala ngayon, kasing laki ng heart or bigger, it was a huge mass.”

Kuwento pa niya, “During Magtanggol, suwerte ako, kay Popoy [Caritativo, his manager] and kay Ms. Elaine [Lozano], yung producers namin for Magtanggol, na kahit emergency, alam kong malaking bagay yung hiningi ko sa kanila at hindi sila naging madamot sa akin, na makauwi ako para sa birthday ng daddy ko nung March at maasikaso siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Arizona, USA nakatira ang mga magulang ni Tom.

THE OPERATION. Kumusta ang ama niya matapos ang operasyon?

Ayon kay Tom, “Now, he’s recovering, he’s a fighter, grabe! Sobrang bilib ako.

“Kung ano yung takot ko dati dahil never pang pinagdaanan namin ito as a family, lalo pa sa pinakamatapang sa aming lahat, na makita namin iyon, kung ano yung takot ko dati, mas lalo akong nabuhayan ng loob kasi nakita ko kung gaano katapang ang tatay ko.”

Seventy-six years old na ang father ni Tom.

“Tapos malakas. He’s recovering pa, so now I have to confirm with my family and with the oncologist.

“Pero the plan is after ng first round ng chemo, to shrink the growths pareho, they surgically removed it, so they removed four of his ribs, they removed part of his lung para lang safe na walang recurring…

“And ngayon, they’re gonna go through the chemo na heavy para hindi bumalik.

“We’re really putting our trust in God, and we’re putting our trust in our father’s capability as a fighter.

“And suwerte kami na maraming doctor and oncologist were involved na sobrang magaling sa trabaho nila.

“At hindi lang yun, may mga alternatibong pamamaraan din kami na medication na nahanap para kay Daddy na sobrang gumagana para sa kanya.”

ALTERNATIVE MEDICINE. Ang tinutukoy ni Tom ay ang medical marijuana.

Lahad niya, “Yes. Nung pumunta ako [sa US] nung March, sinamahan ko si Daddy sa university para dun sa surgeon niya.

“At the same time, sa same place, since legalized siya for medicinal use sa Arizona, napa-checkup namin siya sa doctor in Tucson din, and nabigyan siya ng card na.

“Ngayon, kung ano yung takot ko dati, dahil nakita ko from 196 pounds, naging 174 siya.

“Ang sakit makita! Ang pinakamatapang at pinakamasiglang taong kilalala mo na mapagdadaanan niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga gusto niyang gawin hindi niya magawa, kita mo yung sakit.

“Na mismo ako, natakot akong makita siya uli dahil hindi ko alam kung anong klaseng tatay ang makikita ko, kung makikilala ko pa ba siya.

“Na natuwa ako, dahil dun sa alternative medication din, yung mga side effects ng chemo na nausea, nawawalan ng appetite… Ayun, kumakain siya.

“At nung nakita ko siya, from 173 naging 184 [lbs] siya for his surgery.

“Pumayat nang konti dahil sa surgery, pero ngayon kain pa rin siya nang kain.

“I’m so thankful.”

Saad pa ni Tom, “Kaya gusto ko muna, since dito sa atin hindi ganun ang pagkakaintindi sa ganitong klase ng treatment, medyo stigmatized, kaya gusto ko munang masiguradong okay si Daddy bago ko siya dalhin dito.

“Kasi kung wala yung ganung klaseng treatment, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin as a family dahil nasa dilim kami dati, hindi namin alam kung ano yung gagawin namin.”

Dito na raw sa Pilipinas mamamalagi ang parents ni Tom, pero magpapagaling muna ito sa Amerika.

May nakita na raw noon amg mga magulang niya na loteng beachfront sa Subic.

“Kaso siguro, since may mga iba pa tayong klaseng ano, kunwari ngayon, may mga kailangan siya na hindi puwedeng makuha dito, hindi ko muna siya puwedeng mapadala dito,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN