Jake Vargas reluctantly admits breakup with non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Did Jake Vargas initiate breakup with his non-showbiz girlfriend? He says, "Hindi naman sa ganun. E, siyempre kailangan ko rin po kasi magtrabaho para sa family ko."


Napaamin si Jake Vargas na break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Kasi ano, e… ano po muna siguro, trabaho,” sabi ng Kapuso actor nang tanungin kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero magkaibigan pa rin naman daw sila.

Nagkakausap pa ba sila?

“Hindi na po.”

Sino ba ang nakipag-break?

“Basta!” at tumawa si Jake.

Siya ba ang nakipaghiwalay?

Aniya, “Hindi naman sa ganun. E, siyempre kailangan ko rin po kasi magtrabaho para sa family ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa presscon ng Oh Boy! concert nila nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, at Derrick Monasterio, sa Packo’s Grill, nitong Linggo, August 21.

Gaganapin ang nasabing concert sa September 23 sa Music Museum.

JAKE AND THE HUNKS. Kilalang hunks ang tatlong kasama ni Jake sa concert na produced ng Dreamstar Events, in cooperation with GMA Corporate Communications, at sa direksiyon ni Marvin Caldito.

Ano kaya ang magiging panlaban niya sa tatlo?

Ayon kay Jake, “Actually, iyon nga ang sinasabi nila, kumbaga ako yung pinaka-wholesome.

“Siguro maggigitara lang ako, pero hindi ako magpapakita ng abs, ganun, walang ganun.”

Bakit ayaw pa niyang maging sexy and daring bilang artista? Dati pa naman niyang sinasabi na handa na siyang magpaseksi?

“Siguro hindi pa sa ngayon. Kasi wala pa namang…”

Para kay Jake, hindi pa siya ganung ka-physically ready. Pero nagwo-workout naman daw siya.

“Actually, sa bahay, push-ups sa bahay. Pinaghahandaan ko rin naman, in case.”

Wala pa naman daw siyang mga “pandesal” sa tiyan, pero wala rin siyang bilbil.

“Payat naman po yung ano ko.”

Kung magkakantiyawan during the concert, may chance din kayang magpakita siya ng katawan?

Sagot ni Jake, “Opo, opo... totoo po.

“Actually, mas maganda po kung ganun ang mangyayari.

“Puwede ho, puwede ho.

“Basta maggigitara ho kasi ako dun, tapos kakanta lang.

“Tapos yung pizza boy lang na, iyon nga, parang imo-model ko lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa concert, ang “peg” na matatawag para sa kanila ay bilang rock star si Aljur, policeman si Rocco, teacher si Derrick, at pizza boy si Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN