Neil Perez reacts to alleged involvement of police in drugs, extrajudicial killings

IMAGE Noel Orsal

Neil Perez on high morale of his fellow policemen: "Nakakatuwa, kasi siyempre malaking bagay din yung itaas nila yung sahod namin, tapos malaking tulong yun sa pamilya namin. And then, yung trabaho namin, mas nagagampanan namin nang maayos kasi nasusuportahan kami ng presidente."


Nagkomento ang police officer at Mr. International 2014 na si Neil Perez sa pagkakasangkot ng ibang kapulisan sa droga at extrajudicial killings.

Patuloy ang hearing sa Senado ngayon upang imbestigahan ang extrajudicial killings, na kinasasangkutan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kanilang kampanya laban sa droga.

Ani Neil, kuntento siya sa performance ng kapulisan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sobrang satisfied ako, pero hindi naman namin tinu-tolerate ang mga masasamang gawain ng mga kung anuman yung… masangkot man yung pulis sa drugs.

“Siyempre hindi namin ito-tolerate yun.

“Kung lalabag sila sa batas, may batas na dapat magpasok sa kanila sa kulungan o magbigay sa kanila sa parusa.”

Kinontra rin ni Neil ang impresiyon na nakakaligtas ang mga pulis sa batas kaugnay ng isyu ng droga at extrajudicial killing.

“Ay, hindi! Iniimbestigahan naman po yun. Nasa Senate naman po.

“So, tingnan natin kung mapapatunayan naman po na nagkakasala sila.

“May batas naman para magparusa sa kanila,” sabi ni Neil, na miyembro ng Special Operations Unit ng Aviation Security Group.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil sa press conference ng RUTE (R U Tough Enough?) ng KIX Channel, ngayong Martes, August 23.

Ang RUTE ay nationwide search para sa toughest Pinoys, at si Neil ang ambassador ng nasabing programa.

HIGH MORALE. Ayon kay Neil, mataas ngayon ang morale ng mga kapulisan sa kanilang laban kontra droga.

“Sa ngayon, high morale naman sila kasi suportado sila ng gobyerno, ng pangulo.

“Nakakatuwa, kasi siyempre malaking bagay din yung itaas nila yung sahod namin, tapos malaking tulong yun sa pamilya namin.

“And then, yung trabaho namin, mas nagagampanan namin nang maayos kasi nasusuportahan kami ng presidente.”

Masaya man ang mga kapulisan sa kanilang tungkulin, may pakiusap si Neil.

Aniya, “Although alam naming may mga tao nagko-comment about mga ‘yan, pero iniimbestigahan naman ang mga ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag lang talagang maging judgmental yung mga tao sa mga… yun nga, ang sinasabi nila sa mga extrajudicial killing.

“Tingnan muna natin, patunayan muna natin.

“Kasi sa amin, pag sa drugs, alam mo naman sa PNP, si Presidente, talagang tanggal, tanggalin ‘yan. Ilipat, ililipat ‘yan.”

RESPECT FOR POLICEMEN. Saksi rin daw si Neil sa suporta at respeto ng mga sibilyan sa kapulisan ngayon.

“Sobrang laki ng pagbabago, sobrang laki talaga.

“Kasi sa lugar namin, laking-Tondo ako, until now sa Tondo pa rin ako nakatira, sobrang tahimik ngayon talaga.

“Kaya natutuwa ako. Ang layo ng difference nung dati sa ngayon.

“Ang laki ng tiwala nila.”

Kuwento pa ni Neil, “Talagang yung mga taong alam mo na nai-involve sa masasamang gawain ngayon, parang humahanap na sila ng pagkakabuhayan nila, sidecar boy...

“Ito yung mga dating tao na talagang parang pag nakita mo, feeling mo may gagawin masama.

“Kasi nagpo-profiling, di ba? Kasi pulis ka, may profiling ka.

“Pero ngayon, nakikita ko, ang laki ng pagbabago sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN