Edu Manzano has moved on after election defeat

IMAGE Noel Orsal

Edu Manzano on running for a government post: "I think it's not just our right to be allowed to run on an election, it's also our obligation. Kung sa tingin natin may magagawa tayong mabuti para sa bayan, at sa ating mga kapwa, e, dapat mong subukan talaga."


Tumakbo si Edu Manzano noong May 2016 elections bilang senador, ngunit hindi na naman siya pinalad manalo.

Kumusta na siya pagkatapos ng eleksyon?

Saad niya, “Okay lang!

“Matagal-tagal na rin akong nag-ibang negosyo, 2004 pa lang tumigil na ako sa pelikula.

“You know, I have my businesses, at kung titingnan niyo ang aking Facebook page at aking Instagram, mas madalas ako sa farm sa Batangas.”

Bukod sa farm/palaisdaan ng bangus, hipong suwahe, at alimango ay apat ang restaurants kung saan co-owner si Edu; ang Lucky Rainbow at Black Sheep (na parehong nasa Pasong Tamo, Makati), Erwin’s Gastrobar (sa City of Dreams), at ang Artiste Restaurant and Cafe (sa Alabang).

Patuloy niya, “So, hindi naman nagbago yung buhay ko, e.

“You know, I think it’s not just our right to be allowed to run on an election, it’s also our obligation.

“Kung sa tingin natin may magagawa tayong mabuti para sa bayan, at sa ating mga kapwa, e, dapat mong subukan talaga.

“So I would encourage my friends, my relatives, kung talagang their heart is in the right place at gusto nilang manilbihan sa bayan, to go ahead.”

Hindi naman daw sumama ang loob niya kahit hindi siya nanalo.

“Ah, no, no... Kung titingnan niyo, inikot talaga namin yung as much of the Philippines as we could, pero hindi mo talaga kayang ikutin.

“So, ako naman, as for those who know me, mahilig akong mag-engage ng tao, e.

“You know, hindi ako napipilitan.

“Para sa akin, every day is a learning experience for me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa presscon ng upcoming GMA primetime series na Someone To Watch Over Me, sa Le Reve Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kagabi, August 22.

WILL HE RUN AGAIN? Susubok pa ba siyang muli sa susunod na eleksyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Edu, “I’ll be sixty-one on September 14.

“Kung magra-run tayo, three years, so magiging sixty-four na ako niyan…

“You know, ang dami ko nang ginagawa.

“Si Luis is getting of age, thirty-five na siya.

“My daughter, si Addie, graduated from Ateneo, nagma-Masters ngayon sa New York; nasa Parsons [School of Design], for Graphic Design.

“Yung anak kong lalaki sa La Salle, e, siya naman, e, mag-iibang bansa din, sa University of San Bernardino [sa California]; si Lorenzo.

“So, isa-isa, e, nawawala na yung mga anak ko, e.”

Kaya ie-enjoy na lang niya ang buhay niya?

Sabi ni Edu, “No! Gusto ko silang samahan!

“Gusto kong ikutin… iikut-ikutin ko talaga lahat.

“I was hoping sana my children will never leave me, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN