Michael Pangilinan to file visitation rights for his son

IMAGE Noel Orsal

Nakatakdang magsampa ng petisyon sa korte ang singer na si Michael Pangilinan upang magiging maayos ang schedule ng pagkikita nila ng kanyang anak. Tatlong buwan na raw kasing itinatago ng kanyang dating nobya ang bata kaya humantong siya sa desisyong ito.


Nagpadala ng demand letter ang kampo ng singer na si Michael Pangilinan sa dating karelasyon nito dahil tatlong buwan na raw niyang hindi nakikita ang kanilang anak.

Saad ni Michael, “Basta ako, maayos akong ama.

“Actually, three months nang hindi ko siya nakikita.

“May malaki akong hakbang na ginawa ngayon at bahala na si Lord kung anong mangyayari.”

Matapos daw nito ay maghahain sila ng petition for visitation rights para regular niyang makita ang kanyang anak.

“Yun lang naman ang pangarap ko, e.

“Hindi ko naman kailangan makuha lahat ng atensiyon niya.

“Kung ano ang mangyayari ngayon, dun sa ginagawa ko ngayon [demand letter], bahala na si Lord.”

Nakausap na rin daw nila ang kanilang abugado tungkol sa hakbang na ito.

Ang kanya bang pag-amin sa relasyon nila ni Garrie Concepcion ang dahilan kung bakit itinago ng kanyang dating girlfriend ang anak nila?

Read: Michael Pangilinan admits relationship with Garrie Concepcion

Tugon ng singer, “Hindi ko po alam kung bakit. Ako, kami, nag-usap naman kami.

“Kung may boyfriend siya, okay lang. Kung may girlfriend ako, okay lang.

“Sabi ko nga sa kanya, isa lang naman ang hinihiling ko, e...

“Bakit mo isasama tayo? Huwag mo tayo isama, ilabas mo tayo dun sa baby natin.

“Magtulungan tayo para magkaroon ng nanay at tatay yung bata. Hindi puwedeng nanay lang.'”

Hindi naman daw masasabing nagkulang si Michael bilang ama dahil, aniya, tuluy-tuloy ang kanyang sustento sa anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Michael sa presscon nila ni Morissette Amon sa Eclipse Bar, Solaire Resort and Casino, Paranaque City.


Ang nasabing presscon ay para sa Powerhouse (Pinoy World-Class Performers) concert na gaganapin sa The Theater at Solaire sa October 28.

Kasama nila sa concert sina Arnel Pineda, 4th Impact, at ang Mayumi and T.O.M.S. band.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POWERHOUSE. Kaya na ba niyang makipagsabayan kay Arnel na isang world-class performer?

Tugon ni Michael, “Siyempre, sa boses hindi.

“Siyempre, iba talaga kapag sinabi mong Arnel Pineda, talagang bow ka talaga sa kanya.”

Kaya ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya nang husto ang una niyang performance sa The Theater at Solaire.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN