Max Collins admits relationship with Pancho Magno in his mom's presence

IMAGE Noel Orsal

Max Collins on boyfriend Pancho Magno: "Good boy 'yan, e. Sobrang good boy, God-fearing. Suwerte ako. So, sana nga, forever."


Walang nagawa si Max Collins kundi aminin ang relasyon nila ng kapwa Kapuso talent na si Pancho Magno nang matanong siya tungkol dito sa presscon ng primetime series na Someone To Watch Over Me kagabi, August 23.

Nasa presscon din kasi ang ina ni Pancho na si Redgie Magno, VP for Drama Productions ng GMA Network.

“Ano, mahirap magsinungaling, pero yun ang totoo!” natawang sabi ni Max.

Nailang ba siya nang tanungin tungkol kay Pancho dahil nasa harapan niya ang ina nito?

Pag-amin ng Kapuso actress, “Oo, kinabahan ako kasi nandito siya [Redgie], pero masaya rin naman. Happy ako to see her.

“Pero siyempre, iba rin naman kapag out of work.

“Kabado ako, baka kung ano ang sabihin ko.

“You know, I look at her as a second mom. Pero nandun pa rin ang respect.

“At sana maayos lahat ang sasabihin ko at sana proud siya sa akin.”

Malapit naman daw ang pamilya nila ni Pancho sa isa’t isa.

Ayon pa kay Max, tatlong taon na rin silang may relasyon ni Pancho.

Paglalarawan pa niya sa boyfriend, “Good boy ‘yan, e. Sobrang good boy, God-fearing.

“Suwerte ako. So, sana nga, forever.”

Pero wala pa raw sa isip niya ang magpakasal.

Saad ni Max, “Siguro kapag secured na ang pamilya ko. Kapag may narating na ako sa career ko, proud ako sa sarili ko, I guess, ready na akong magka-family, that’s the time I’ll feel ready na puwede na akong magpakasal.”

Naniniwala ba si Max na dapat ay hindi alam ng publiko na may karelasyon ang isang artista dahil nawawala ang mystery o charm nito?

“I used to think that,” pag-amin niya.

“Pero ngayon, hindi na ako naniniwala.

“Alam din naman ng mga tao na may karelasyon yung ibang artista, pero pinapanood pa rin nila ang mga movies nila, ang mga teleserye nila, fans pa rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think, depende talaga sa story.

“Kung maganda ang kuwento, maganda ang pag-arte, then you’ll still be a fan kahit na may karelasyon yung favorite mong artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN