Lovi Poe dismisses rumored relationship with Filipino-French guy

IMAGE Lovie Poe Instagram / Noel mOrsal

Lovi Poe: "Ano ako ngayon, zero lovelife, sa totoo lang. I still have to straighten out things with myself. Hindi pa ako handa na pumasok ulit sa isang relationship."


Naninindigan si Lovi Poe na pagkatapos ng breakup nila ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ay single pa rin siya hanggang ngayon.

Ito ay sa kabila ng Instagram posts ni Lovi kung saan kasama niya ang isang guwapong non-showbiz guy, na nagngangalang Chris Johnson.

Kung pagbabasehan kasi ang mga larawang magkasama sila, na kuha sa iba’t ibang lugar, puwedeng isiping may bago nang pag-ibig ang aktres.

May hahstag pa nga siyang #LoviChrissy sa Instagram posting niya na magkasama sila.

With my friendchy.????

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on

Natatawang sabi ni Lovi tungkol dito, “Okay, he’s French-Filipino and I cannot say anything... he’s a friend.

“He lives far away, so mahirap yung ganun.”

Hindi siya naniniwala sa long-distance relationship?

“Let’s just say that I had the worst case of long-distance relationship before.

“It was too hard and too painful, so I don’t know.”

Nangiti lang si Lovi nang tanungin kung ang dati niyang boyfriend na si Ronald Singson ang tinutukoy niya.

NOT YET READY. Nilinaw rin ni Lovi na hindi siya ang dahilan kung bakit nasa Pilipinas si Chris; may pamilya raw ito sa Pilipinas.

Sabi pa niya, “Siyempre, kapag friends ko naman, ayokong bigyan ng malisya.

“Actually, ano ako ngayon, zero lovelife, sa totoo lang.

“I still have to straighten out things with myself.”

Kailan lang din daw niya nakilala si Chris, at nagkita silang muli noong kasal ni Solenn Heussaff.

Pero interesado ba sa kanya ang French-Filipino guy na ito?

“I don’t know, I’m very dense!” natawang sagot ni Lovi.

Pero ano talaga ang status nila ni Chris?

Aniya, “Wala akong mabibigay na label.

“Right at this very moment, the label that I can give is that we’re just friends, wala talaga.

“Matagal na kaming naghiwalay ni Rocco, pero hindi pa ako handa na pumasok ulit sa isang relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UP TO GOD. Enjoy naman daw si Lovi sa company ni Chris.

“Of course, every day we should enjoy our everyday life.”

Natatawang dugtong niya, “Wala, ayoko na lang, ayokong bigyan ng meaning yun, e.

“I don’t want to jump into anything, I’m just enjoying my single life.”

Bukod kay Chris, mayroon pa ba siyang ibang nakakasama o nakaka-date?

“Wala, kasi busy rin ako. Wala pa kasi akong balak.

“Still, ninanamnam ko pa yung nangyari. It takes time, siyempre.”

Wala siyang nakikitang possibility sa kanila ni Chris?

Sagot ni Lovi, “I don’t know, e, hindi ko pa alam.

“Kung ganun man, marami pang dapat pagdaanan kasi malayo siya sa akin, e.

“Marami pa namang puwedeng mangyari, bahala si God kung ano ang ipapadala niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN