President Duterte claims Sen. De Lima has another lover besides her driver

IMAGE PTV 4 Facebook / Noel Orsal

Isa na namang pasabog ang pinakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Senator De Lima. Aniya, maliban sa driver-bodyguard nitong si Ronnie Dayang, may karelasyon din daw itong isang MMDA employee na nagngangalang 'Warren.'


Parang isang teleserye na sinubaybayan ngayong hapon, August 24, ang presscon ni President Rodrigo Duterte mula sa Taytay, Rizal, na live na napanood sa telebisyon.

Dumalaw si President Duterte sa burol ni Senior Inspector Mark Gil Garcia, ang pulis na nasawi sa anti-drug operations sa Antipolo City noong August 20, 2016.

Sa ginanap na presscon, ibinulgar ng pangulo na bukod sa driver na si Ronnie Dayang, may iba pa diumanong karelasyon si De Lima.

Ito ay ang MMDA employee na 'Warren' ang pangalan.

Medyo natawa si Duterte nang sabihin nito na ang former MMDA Chairman na si Francis Tolentino ang nagsabi sa kanya tungkol sa relasyon diumano ng lady senator sa isang hagad ng MMDA.

Saad niya, “Isa sa mga nagsabi sa akin, isa sa nag-report noon pa kaya namin nalaman...

“Sino? Ang MMDA Chairman Francis Tolentino.

“Kasi may sulat si De Lima sa kanya, ibinigay ni Tolentino.”

Sa tanong kung sangkot din sa illegal drug activities si ‘Warren,’ wala ang sagot ni Duterte.

“A, wala. And even De Lima, I would be careless... she facilitated everything for money.

“But De Lima was never into… ‘Sige, magpabili ka ng ganoon.’

“I would be lying if I do that and I would not be as honest as I can ever be with you because of her pitfalls.

“Hindi niya mapaibig, e. Yung init ng... they call it tsuk-tsak… tsak-tsuk siguro sa inyo…

“What is there to say? Anong sabihin ko?

“I have to explain it in the dictionary na it is an act relating to the… Tsuk-tsak na lang. Tsak-tsuk, tsuk-tsak.”

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, “She never denied it. ‘All lies and ano na nasa droga ako.’

“But she never said yun kami ni… sino itong pu**ng inang ‘to [Ronnie Dayang], she never admitted it.

“She never came out with the denial, now na lumabas na lahat. There’s one coming up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano si Warren, nakalimutan sa istorya?” ang mala-gossip reporter na tanong ni Duterte sa mga miyembro ng media na kausap niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN