Judy Ann Santos not returning to full-time acting just yet

IMAGE Nerisa Almo

Judy Ann Santos: "Basta ngayon, focused muna ako sa mga anak ko at saka sa sarili ko."


Masaya raw si Judy Ann Santos sa naging resulta ng ginawa niyang independent film na Kusina, na isa sa official entries ng Cinemalaya Indeopendent ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng pagkabigo niyang makamit ang Best Actress award, na napanalunan ng newcomer na si Hasmine Killip para sa pagganap niya sa pelikulang Pamilya Ordinaryo.

Read: Cinemalaya 2016 winners revealed; Hasmine Killip beats Nora Aunor and Judy Ann for Best Actress

Nakangiting pahayag ni Judy Ann, “I'm happy with the reviews, I'm happy with my team, and I gained so many friends while doing Kusina.

So, that alone, ayos ako. Ayos na ayos ako.”

Ang Kusina ang pagbabalik ni Judy Ann sa pag-arte pagkatapos ng huli niyang pelikulang T'yanak noong 2014.

Subalit agad nilinaw ng Kapamilya actress na hindi pa ito agad masusundan.

Aniya, “Parang after Kusina, I want to really take my time.

It is a promise that I really have to do kasi hindi ko talaga kayang i-let down yung team namin.

Not just yet. Kapag talagang in good fighting form na.

Well, guestings are okay, pero yun talagang project, for now, kailangan ko muna talaga siyang paghandaan para lang mas magadang tingnan.

Para lang din sa sarili ko. Hindi naman din para sa ibang tao.

“Gusto ko lang maging mas confident sa sarili ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Judy Ann sa launch ng Mommy Welfare campaign ng Absolute Drinking Water, noong Martes, August 23.

Sa gala night ng Kusina, inamin ni Judy Ann na nakausap niya ang business unit head ng Dreamscape na si Deo Endrinal tungkol sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Aniya, “Napag-chikahan, ganyan.”

Pero inulit niyang hindi ito hudyat ng kanyang pagbabalik sa TV drama.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Judy Ann sa pag-intindi sa kanya ng pamunuan ng ABS-CBN.

“What's really nice about ABS-CBN is that there really is no pressure na magpapayat, kailangan bumalik agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I really, really appreciate it... bibihira ang makahanap ka ng isang kumpanya na maiintindihan ang pinagdadaanan mo.

“At yung proseso na gusto mong mangyari para sa sarili mo at para sa pamilya mo.”

Dagdag pa niya, “Natutuwa ako na may plano naman, hinihintay lang nila ako na magtanong at magsabi na ready na ako.

Basta ngayon, focused muna ako sa mga anak ko at saka sa sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN