Frankie Pangilinan reveals she's a big AlDub fan

IMAGE Twitter (@kakiep83)

Frankie Pangilinan supports AlDub and says she loves Maine Mendoza very much.


Ipinahayag ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan, sa pamamagitan ng social media, ang kanyang pagiging big fan ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagkaroon pa nga ng selfie si Frankie kasama si Alden nang mag-guest ang dalaga sa Eat Bulaga! noong Sabado, August 20.

Kinanta ni Frankie sa naturang episode ang acoustic version ng "Mr. DJ," na orihinal na inawit ng kanyang ina.

Read: Sharon Cuneta's daughter Frankie performs 'Mr. DJ' on Eat Bulaga

Ipinost ni Frankie ang nasabing picture nila ni Alden sa kanyang Twitter account.

Nagpakita pa ng suporta si Frankie sa sikat na love team nang mag-tweet siya.

Aniya, “Aldub for life, yas! So happy OMG.”

Isang netizen ang nag-tweet kay Frankie at sinabing sayang at wala sa show noong araw na iyon si Maine, na nagbabakasyon sa Amerika.

Tugon naman ni Frankie sa netizen patukoy kay Maine: “I love her so much!!!”

Sa isa pang tweet ay nagpasalamat si Frankie sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Eat Bulaga at nagpasalamat kina Ryzza Mae Dizon at Alden na nakilala niya ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN