Ai-Ai delas Alas approves of Duterte's anti-drug campaign

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas says she is satisfied with President Duterte's campaign to eradicate illegal drugs in the country. The comedienne also expressed her opinion about extrajudicial killings.


Aprubado kay Ai-Ai delas Alas ang ginagawang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

Saad niya, “Nagagalingan ako sa kanya, natutuwa ako sa kanya.

“Kasi yung mga ipinangako niya, tinutupad naman niya, e.

“At saka yun naman ang gusto niya, di ba? Linisin ang droga, linisin ang Pilipinas, gumanda ang Pilipinas, maging maayos tayong lahat.

“Tinutupad naman niya.

“Yun nga lang sa ordinansa niya… yun yung way niya.

“Pero ako, okey sa akin yung ginagawa niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang Comedy Queen sa first anniversary presscon ng Sunday PinaSaya nitong Miyerkules ng gabi, August 24.

Inusisa ng PEP si Ai-Ai kung pabor din ba siya sa napapaulat na extrajudicial killings sa mga pinaghihinalaang nagtutulak ng droga.

Nitong Lunes kasi ay nag-post siya sa Instagram tungkol sa Senate hearing kaugnay ng extrajudicial killings.

Nagpahayag pa ng pagkainis si Ai-Ai sa isang female witness na idinidiin ang dalawang pulis na diumano’y may kasalanan sa pag-torture at pagpatay sa kanyang asawa at ama na mga suspek sa pagtutulak ng droga.

Sa caption ni Ai-Ai, sinabi niyang may mga taong may kapansanan pero nagbabanat ng buto upang kumita nang marangal.

Aniya pa, maraming drug users ang nakakagawa ng krimen dahil wala sa tamang pag-iisip dulot ng drogang ibinibenta ng drug pushers.

Habang nanonood ako ng probe sa extra judicial killings na to nakakaloka ... MAY MGA TAONG MAY KAPANSANAN BULAG PILAY PERO NAGTRATRABAHO NG MARANGAL NA HINDI KAILNGANG MAGBENTA NG DROGA .. Bakit may mga nag bebenta ??kasi easy money walang hirap ??kaso nyeta ang resulta naman nito sa bayan ano ?? Maraming na re rape na bata at mga matanda , pagnanakaw pagpatay dahil wala sa isip tong mga taong lulong sa droga dahil sa mga nag bebenta ng droga ... kung makaiyak si ate akala mo naapi na parang wala sa isip na ilang bata ang nasira ang buhay ng dahil sa pagbebenta ng asawa at tatay nya ng droga ... Atsaka naka shades sya .. Buti pa nga sya may shades pa syang nakapunta dun ... Samantalang mga nagtratrabaho ng patas para makakain 3 beses isang araw d na bibili ng shades ipang kakain nalang ...Basta may inis factor akong naramdaman lunes pa naman ... #justsaying #walapang1yearreklamoagad #umayoskayoparatayoumunlad #salamatwalangadiksamen

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Pahayag ni Ai-Ai tungkol dito, “Kasi siyempre, para sa akin, opinyon ko lang ‘to, kung ano ang ginagawa ni Duterte, yun yung way niya para dito sa atin.

“Siyempre mahirap kasing ipaliwanag, maraming masasaktan kapag kunwari naipaliwanag ko na ‘ganito, ganito, ganyan.’

“Kasi alam ko talaga ang mga tao na nagbenta dun sa mga nagdodroga, wala naman talaga sa tamang pag-iisip [ang users].”

Binanggit pang halimbawa ni Ai-Ai ang anak-anak nitong si Jiro Manio, na ibinalik sa rehab noong February 2016 ilang linggo lamang mula nang mailabas ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa ‘yan sa dahilan yung kay Jiro, di ba? Isa yun sa dahilan bakit siya naibalik [sa rehab].

“So, siguro naiintindihan niyo ako kung bakit ako pabor, kasi alam ko kung ano ang resulta ng mga taong nalulong sa droga,” naluluhang sabi ng komedyana.

Sa presscon ng isang endorsement ni Ai-Ai, kinumpirma niyang sa pag-iisip na ang karamdaman ni Jiro at mas makabubuti kung sa rehab na mananatili ang dating child actor.

“Mas safe siya sa loob ng facility, forever na siya doon,” sabi ni Ai-Ai sa ulat ng Pilipino Star Ngayon noong July 19.

Pero patuloy pa rin daw ang pagtulong ni Ai-Ai kay Jiro at balak niya itong bisitahin sa mga susunod na araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN