PEP EXCLUSIVE. Clarisma Sison hurt by bashing over third-party accusation

IMAGE Mark Atienza

Handa raw si Clarisma Sison na sagutin ang lahat ng akusasyon laban sa kanya kaugnay ng pagkakasangkot niya sa hiwalayan nina Sunshine Dizon at Timothy Tan. Aminado naman ang kanyang kampo na nasaktan si Clarisma sa patuloy na pamba-bash dito.


Na-reset muli sa ibang araw ang itinakdang hearing ngayon, August 25, sa concubinage at Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC) complaints na isinampa ni Sunshine Dizon laban sa estranged husband niyang si Timothy Tan at sa diumano’y kalaguyo nitong si Clarisma Sison.

Hindi sumipot ang tatlo sa sala ni Senior Asst. City Prosecutor Fabinda delos Santos ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC).

Tanging ang mga abugado lamang nila ang dumating; si Atty. Peter Sanchez sa panig ni Timothy at si Atty. Jonathan Amoroso sa panig ni Clarisma.

Nagpadala lamang ng representative si Atty. Claire Castro, na abugado ni Sunshine.

POSSIBLE SETTLEMENT. Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni Clarisma na si Atty. Amoroso habang paakyat ito sa sala ni Fiscal delos Santos sa ikatlong palapag ng Justice Cecilia Munoz Palma Hall ng Quezon City Hall of Justice.

Sa pakiusap ng PEP ay nagpaunlak ito ng isang maiksing eksklusibong interview.

Pahayag ni Atty. Amoroso, “We were supposed to file our counter-affidavit but due to ongoing negotiation among the parties, we were given ample time to exhaust and explore all avenues for possible settlement on the case.

“So, this is a welcome development for us and hopefully the negotiation would yield positive results to all the parties in this case.”

Sino ang nag-initiate ng negotiation?

Sagot niya, “I’m not aware din, ‘no.

“I’m not very certain as to who initiated this negotiation but I think it’s a mutual decision among the parties.”

Inusisa rin ng PEP si Atty. Amoroso tungkol sa damdamin ng kanyang kliyente, na nahaharap ngayon sa kaliwa’t kanang pamba-bash dahil sa pagkakaugnay niya sa hiwalayan nina Sunshine at Timothy.

Kabilang sa mga ibinabatong masasakit na salita kay Clarisma ay ‘kabit,’ ‘third party,’ kalaguyo,’ at ‘homewrecker.’

Ayon sa abugado ni Clarisma, “Of course she’s hurt dahil tao rin naman 'yan, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then she’s willing to answer all accusations against her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN