Sunshine Dizon hits netizen accusing Alden Richards of having an attitude problem

IMAGE Noel Orsal / Sunshine Dizon Instagram

Sunshine Dizon to Alden Richards's detractor: "Nakatrabaho mo na ba siya? Hindi di ba? Fyi Alden is one of the nicest and down-to-earth actors in the biz."


Mariing pinabulaanan ni Sunshine Dizon ang akusasyon ng isang netizen na “hindi marunong makisama” si Alden Richards.

Sinabi rin ng Kapuso actress na walang katotohanan ang sinabi ng nasabing netizen na marami ang galit sa Kapuso actor dahil sa umano’y attitude problem nito.

Buwelta ni Sunshine: “@KathnielRules26 @showbiz_Pools nakatrabaho mo na ba siya? Hindi di ba?

“Fyi Alden is one of the nicest and down-to-earth actor in the biz.”


Naunang nagbahagi si Sunshine ng larawan nila ni Alden na kuha mula sa The PEP List Year 3 awarding ceremony, na ginanap noong Linggo ng gabi, Agosto 21, sa Crowne Plaza hotel sa Ortigas, Quezon City.

Sa caption ng kanyang Instagram post, inihayag ng Kapuso actress na saksi siya sa kabutihan ng loob ni Alden mula nang magkatrabaho sila noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Sabi ni Sunshine: “You deserve all the blessings @aldenrichards02 congratulations [heart emoji]

“Always keep your feet on the ground and you will surely go places.

“Simula pa ng Mundo Mo'y Akin hangang ngayon ay talaga namang wala kang pinagbago. Proud na proud ako sa ‘yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN