Wally Bayola: "Lahat po ng blessings na ito, katas ng Eat Bulaga."

Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif">

Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif">

IMAGE Noel Orsal

Wally Bayola on beating other prominent comedians for Male Comedy Star of the Year at The PEP List: "Para sa akin kasi, lahat naman 'yan, ma-nominate ka lang dito ay malaking karangalan na. Ma-nominate ka lang dito, winner ka na. Kaya, kumbaga, winner kaming lahat, e."


Mula sa paghahanap ng Pokemon Go, hindi raw inaasahan ng Kapuso comedian na si Wally Bayola na mag-uuwi siya ng tropeyo mula sa The PEP List Year 3 Awards Night, sa Crowne Plaza Hotel, noong Linggo, August 21.

Read: AlDub named TV Stars of the Year; KathNiel voted Movie Stars of the Year

Saad niya, “Kasi hindi ba nauuso yung Pokemon ngayon?

“So, kaninang hapon ay kasama ko yung bunso kong seven years old.

“Linggo, kaya bonding-bonding kami, sinamahan ko siya.

“Mahirap din pala, pero may nakuha namang dalawang Pokemon yung anak ko.

“So, pumasok lang ngayon sa isip ko na kanina pa ako hanap nang hanap ng Pokemon, pero eto pala ang makukuha ko – ang award sa PEP.

“Ito ang pinakamagandang nakuha ko ngayon.”

Si Wally ang itinanghal na Male Comedy Star of the Year para sa mga pagganap niya sa Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya.

BLESSINGS. Kabilang sa co-nominees ni Wally para sa Male Comedy Star of the Year sina Michael V., Vice Ganda, Betong Sumaya, at ang Dabarkads niyang sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Mga bigating komedyante ang tinalo ni Wally, ano ang reaksiyon niya rito?

“Hindi ko naman iniisip yun,” mabilis na sagot niya.

“Para sa akin kasi, lahat naman ‘yan, ma-nominate ka lang dito ay malaking karangalan na.

“Ma-nominate ka lang dito, winner ka na. Kaya, kumbaga, winner kaming lahat, e.”

Ano ang masasabi niyang sikreto sa lahat ng suwerteng dumarating sa kanya ngayon?

Pahayag ni Wally, “Siguro kailangan, bukod sa talent, mabait ka, mapagkumbaba, matiyaga, at magsipag lagi.

“Kasi, hindi siguro puwede na may talent ka nga, pero may attitude ka naman.”

Anong satisfaction ang nakukuha niya kapag nakakapagpaligaya siya ng mga tao?

“Kasi bilang isang comedian, mas maganda yung nakakapagpasaya ka ng mga tao, nakakapagpasaya ka ng audience.

“Kailangan kapag nagtrabaho ka sa ganyan, hindi puwede yung iisipin mo ay pera-pera lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, alam mo yun? Yung uuwi ka na may pera ka nga, pero parang waley naman yung ginawa mo? Yung parang hindi worth it?

“Kaya kami talaga, kung puwede lang talaga na lahat ng tao, lahat ng audience ay mapasaya namin, mapatawa namin sila.”

KATAS NG EAT BULAGA! Sinabi rin ni Wally na ang mga tinatamasa niyang tagumpay ngayon ay katas ng Eat Bulaga, na itinanghal namang Variety / Game Show of the Year.

“Sobrang overwhelmed ako nang naging part ako ng Eat Bulaga.

“Kumbaga, hindi lang ako sobrang masaya, talagang tinatanaw kong malaking utang na loob ito sa kanila.

“Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga.

“Kasi noong baguhan pa lang ako na nag-aartista, sumasakay ako sa LRT, MRT, jeep, tricycle…

“One time pumara ako ng taxi, nang malayo na kami ay kinapa ko ang bulsa ko, may susi ako sa bulsa.

“Sabi ko sa taxi driver, ‘Kuya, tabi niyo na lang po.’

“So, naalala ko, nakabili na pala ako ng kotse!” natatawang pagbabalik-tanaw ni Wally.

Patuloy niya, “So, dahil ‘yan sa Eat Bulaga.

“Na nagsimula sa kotse na nagagamit ngayon ng mga anak ko sa pagpasok sa school, tapos nakabili ako ng bahay…

“Kasi noon naranasan ko, nang nagsisimula pa lang ako dito, bedspacer lang ako.

“May kasama ka sa kuwarto… sila nagyoyosi, e, ako hindi naman naninigarilyo.

“So, bilang probinsiyano, hindi naman ako maarte. Tinitiis mo na lang dahil pakikisama rin, e.

“Kaya nang nakapagpundar na rin ako ng bahay, yun ang pinakamasaya mula nang naging part ako ng Eat Bulaga.

“Kaya sobrang pasasalamat ko po talaga nang nakapagpundar ako ng sasakyan at bahay.

“And lahat po ng blessings na ito, talagang masasabi kong katas ng Eat Bulaga po, e.”

Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif">


Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif"> Eat Bulaga."" data-url="https://www.pep.ph/news/64327/wally-bayola-lahat-po-ng-blessings-na-ito-katas-ng-emeat-bulagaem" data-desc="Wally Bayola: Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2016-08-26_11:47:33_wally-bayola-the-pep-list-year-3.gif">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN