Glaiza de Castro inspired by Sunshine Dizon's courage amid marital problem

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro (right) on being inspired by Sunshine Dizon (left): "Nung makita ko nga siya sa PEP Awards Night, sabi ko, 'Hala, parang mas bagets pa siya sa akin!' Parang mas lalo pa siyang bumagets lalo, kasi kapag kausap mo siya, parang wala siyang problema. Nakaka-inspire talaga."


Itinuturing ni Glaiza de Castro na isang inspirasyon ang co-star niya sa Encantadia na si Sunshine Dizon, na kasalukuyang may pinagdadaanan sa kanyang married life.

Si Glaiza ang gumaganap bilang Pirena, habang si Sunshine naman ang gumaganap bilang Adhara.

Ngunit sa orihinal na Encantadia ay si Sunshine ang gumanap na Pirena, isa sa apat na Sang’gre.

Paglalarawan ni Glaiza kay Sunshine, “Masaya naman siya.

“Actually, nakaka-inspire siya. Sa kabila ng challenges...

“Nung makita ko nga siya sa PEP Awards Night, sabi ko, 'Hala, parang mas bagets pa siya sa akin!'

“Parang mas lalo pa siyang bumagets lalo, kasi kapag kausap mo siya, parang wala siyang problema.

“Nakaka-inspire talaga.”

Si Sunshine ang nag-present ng Teleserye Actress of the Year category sa The PEP List Year 3 Awards Night, na ginanap sa Crowne Plaza, noong August 21.

Nagkataon namang si Glaiza ang nanalo para sa kanyang pagganap sa The Rich Man’s Daughter.

Dugtong pa niya, “Nakikita ko sa kanya yung strong desire niya to influence din, and to inspire other women na lumaban.

“Na hindi lang basta na umiyak-iyak dun na sinaktan ka na, di mo pa ipaglalaban ang sarili mo.

“Lalo na't may anak siya, may pamilya siya.”

Napag-uusapan ba nila ang problema ni Sunshine habang nasa set sila?

Ayon kay Glaiza, “Hindi po siya kinakausap tungkol sa personal matters.

“Kung nagtatanong man ako sa kanya, tungkol sa beauty secrets niya, kung ano ang pantanggal niya ng makeup, yung ganun.

“Very willing naman siya to answer.

“Unless siguro magtanong kami [tungkol sa problema niya ngayon], pero ayaw naman naming manghimasok, kasi very sensitive issues yun.”

Sa tingin naman daw ni Glaiza ay kayang-kaya ito ni Sunshine.

“Oo, parang nilalaru-laro na nga lang niya yung isyu, e.

“Parang tinatawanan na lang niya.

“Ganun siya sa set, hindi niya dinadala ang problema niya sa trabaho niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa soft opening ng Boiling Crab and Shrimps Restaurant, na matatagpuan sa 4th floor ng SM The Block, sa Quezon City, kahapon, August 25.

WHAT IF… Kung sa kanya mangyari yun in the future, kaya rin kaya niya ang maging matatag at matibay?

Sagot ng 28-year-old Kapuso actress, “With the right people around me, siguro naman.

“Nakikita ko naman kay Sunshine yung suporta ng nanay niya, yung mga anak niya.

“Yun ang nagpapalakas sa kanya.

“So, sa tingin ko, kakayanin at kakayanin din kung may darating na... kasi hindi naman mawawala ang problema sa buhay.

“Sa tingin ko, darating at darating tayo diyan.

“Pero samahan mo ng dasal, ng mga taong nagdarasal para sa iyo, walang hindi kakayanin.”

Dahil ba sa mga nakikita niyang kaganapang ito sa showbiz couples, kung kaya’t parang matagal na siyang walang love life?

Sagot ni Glaiza, “Ay, hindi naman, hindi naman.

“Ano naman, open naman ako sa ganyan na hindi lahat ng relationship ay smooth.

“Pero nandun pa rin ako sa... ewan ko, hopeless romantic 'ata ako na kapag dumating yung taong yun, gusto ko ay...

“Pero hindi kasi ako bumababad, na kapag may dumating na tao na hindi talaga, hindi ko na lang pipilitin.”

Dagdag pa niya, “Ang hirap naman na nasa relationship ka lang for the sake of it, di ba?

“Dapat partners kayo, ini-inspire niyo ang isa't isa.

“At saka, kailangang tanggap niyo ang isa't isa, yung magaganda at hindi magagandang...

“Marami naman kasing aspeto sa buhay ko na matagal, pero pagdating sa matter na 'yan, gusto ko, worth it naman.

“Very patient ako at gusto ko talaga, pang-long term.”

Huling na-link si Glaiza sa kapwa niya Kapuso artist na si Benjamin Alves, na nanliligaw na ngayon kay Julie Anne San Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN