Maxene Magalona on boyfriend Robby Mananquil: "He's the best partner, he's my best friend."

IMAGE Noel Orsal

Maxene Magalona: "I don't wanna worry about the future kasi pag nag-worry ako… 'di ko na mae-enjoy yung nangyayari ngayon. To meet that person who is so nice is such a blessing. I don't wanna get ahead of myself, I just wanna enjoy and have fun."


Masaya si Maxene Magalona sa relasyon nila ng model-boyfriend niyang si Robby Mananquil.

Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan magpapakasal si Maxene.

Lunch at Luke's Lobster! ?? #travelwithaccess #robmaxx??tokyo

A photo posted by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on



Sagot dito ng Kapamilya actress, “I appreciate their concern, but for me, I just want to enjoy.

“Nung mas bata ako, I was worried about things na, ‘Oh, it’s gonna happen in the future.’

“Siyempre may stage na dinadaanan mo yun, ano kaya ang mangyayari?

“But now, at my age, I just wanna enjoy what I have right now.

“I don’t wanna worry about the future, kasi pag nag-worry ako… di ko na mae-enjoy yung nangyayari ngayon.

“I just wanna enjoy day by day, live by the moment, experience and be present in the now.

“Yun talaga ang importante… when the right time comes, in God’s perfect timing, sabi nga nila.”

Sabi pa ni Maxene tungkol sa kanyang boyfriend, “Rob is the sweetest and he is so kind, very kind-hearted.

“That is his most unique trait, his kind heart, his gentle soul.

“Mabait talaga siya na tao, that is so rare these days.

“After everything you’ve been through, gone through all those experiences… I’m very happy.

“To meet that person who is so nice is such a blessing.

“He’s the best partner, he’s my best friend... I don’t wanna say he’s the best husband.

“I don’t wanna get ahead of myself, I just wanna enjoy and have fun.

“He’s very, very loving, supportive, the best partner talaga.”

Nakapanayam ng PEP.p (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maxene sa set visit ng ABS-CBN afternoon soap na Doble Kara.

NOSY, NOSY. Hiningan din namin ng reaksiyon si Maxene sa pagsagot ng nakakabata niyang kapatid na si Saab Magalona-Bacarro sa isang basher na tinawag itong "baog" sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang blog, kampante at matinong ipinaliwanag ni Saab kung bakit wala pa sa plano nila ng asawang si Jim Bacarro ang magkaanak.

Pahayag ni Maxene tungkol dito, “I heard about that, it really hurts to see people bash for no reason, like, saan sila nanggagaling?

“I just tell my sister, ‘You can’t help but react negatively, but after a while, you just have to turn a blind eye, huwag mo na lang pansinin.

“Naiintindihan ko talaga siya, it’s her life, those are life choices.

“People, sometimes, they’re so quick to judge, ‘O, kailan ba kayo magkakaanak?’ ‘O, kailan kayo ikakasal?’

“Di ba, ganun naman sa atin, pag kinasal na, ‘O, kailan kayo magkakaanak?’

“Pagka nagkaanak na, ‘O, kailan ang susunod?’

“People are like asking ahead… can’t we just enjoy and be happy for each other?

“Naiintindihan ko si Saab, but the same time, sabi ko sa kanya, ‘Ay, naku, kebs.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN