Newbie Kim Michael Last admits crush on Yassi Pressman

IMAGE Noel Orsal

Kim Michael Last admits Yassi Pressman is his ultimate crush: "I like girls who are great dancers. And Yassi is half-British like me kaya ang tulad niya sa akin."

 


Hindi na lang sa Eat Bulaga! napapanood ngayon ang 'That’s My Bae' finalist na si Kim Michael Last, na mas kilala bilang Bae Kim.

Kasama na siya bilang bagong member ng Sunday comedy show ng GMA Network na Sunday PinaSaya.

Dalawang taon pa lang naninirahan sa Pilipinas ang 19-year-old Fili-British pero magaling na itong magsalita ng Tagalog.

Ipinanganak at lumaki si Bae Kim sa London at nakarating siya rito sa Pilipinas dahil sa hangad niyang maging dancer.

Sinuwerte naman siyang mapabilang bilang isa sa mga contestant ng 'That’s My Bae.'

Mabilis daw natutong mag-Tagalog si Kim dahil sa mga nakakasama niya sa trabaho.

Kuwento niya, “Hindi ako kumuha ng language tutor, I learned Tagalog all by myself.

“Noong unang dumating ako dito sa Pilipinas, I had a very thick British accent.

“Sa London kasi, bawal kaming magsalita ng Tagalog sa bahay.

“Ayaw ng dad ko, who was a pure Englishman. He didn’t understand Tagalog kasi.

“Pero I learned how to speak Tagalog because of the people na lagi kong nakakausap.

“Kapag nag-English ako, doon lang lumalabas ang accent ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa first anniversary presscon ng Sunday PinaSaya, sa Le Reve Events and Pool Place, sa Quezon City, noong Miyerkules, August 24.

LIKING YASSI. Wala raw girlfriend si Kim ngayon.

“I used to have a girlfriend back in London, she’s also a Filipino, but we’ve broken up a long time ago.

“Dito, wala akong girlfriend, walang time to meet and date girls because of my job.

“Kapag nagkaroon siguro ako ng time, I also would love to date somebody,” sabi niya.

Tanging aso lang daw ang kasama niya ngayon sa tinutuluyan niyang bahay.

Inamin naman ni Kim na 'ultimate crush' niya si Yassi Pressman.

Bukod sa sexy ito, magaling din daw sumayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng newbie actor-dancer, “I like girls who are great dancers.

“And Yassi is half-British like me kaya ang tulad niya sa akin.”

Ini-enjoy ni Bae Kim ang kanyang mga ginagawa rito sa Pilipinas dahil nakakawala raw ito ng lungkot.

Aniya, “It’s been two years now since I left home, I miss my family there.

“My dad already passed away kaya it’s only mom and my two half-siblings who are there.

“Pero may family na ang dalawang kapatid ko.

“My mom and my nephew, they visited me just recently. They are back in London.

“If I was given the chance to take a vacation, bukas din lilipad ako for London!

“But I really have to plan it kasi almost every day may trabaho tayo.

“I have Eat Bulaga! from Monday to Saturday, tapos Sunday PinaSaya on Sunday.”

Sabi pa ni Kim, “Nakakaipon po ako, kapag nabigyan ako ng vacation, meron akong panggastos pag-uwi ko ng London.”

CULTURE SHOCK. Noong unang dating daw ni Kim sa Pilipinas, na-culture shock siya sa maraming bagay.

Kuwento niya, “Everything here is so different, unang-una yung traffic, yung extreme weather.

“But things are cheaper here than in London, your cigarettes here cost like 50 pesos.

“In London, when you convert it, 750 pesos ang halaga.

“Pero lahat ng naging ipon ko sa London in my first few months here, naubos kaagad.

“Pero nabawi ko naman because of the work na binibigay sa akin.”

Ikinuwento rin niya kung paano siya napadpad sa GMA Network.

“Actually, I joined the dance group Speed, yun ang back-up dancer ng Sunday PinaSaya.

“Tapos yung pinaka-head namin, si Kuya Egay, ipinakilala ako sa mga directors doon.

“They interviewed me at pinag-audition ako sa 'That’s My Bae.'

“From there on, nagtuluy-tuloy na.

“I’m happy that I am now officially a part of Sunday PinaSaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sanay nga raw magtrabaho si Kim dahil sa London ay naging working student siya para makatapos ng high school.

Hindi na raw niya balak mag-college dahil gusto niyang magtrabaho na lang.

“After high school, I went directly to work.

“If I pursue college kasi, magkakaroon ako ng utang doon.

“I will be in debt and I can only pay that back if I practice my degree.

“So, huwag na lang kasi ayokong magkautang nang malaki.

“Pero given tha chance, I really want to take up Law, mahilig akong makipag-debate noon pa.

“But I guess hindi ko na mape-pursue yun because I enjoy working now sa showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN