Find out why comedienne Lovely Abella calls Jose Manalo 'Daddy'

IMAGE Benj Manalo Instagram / Noel Orsal

Lovely Abella on settling down with boyfriend Benj Manalo: "Pareho kaming nagsisimula sa mga career namin sa showbiz. Kaya gusto naming mag-concentrate muna sa trabaho namin. Gusto rin naming makaipon muna bago kami pumasok sa pagpapakasal."


“Daddy” ang tawag ng dancer-turned-comedienne ng Sunday PinaSaya na si Lovely Abella kay Jose Manalo.

Ito ay dahil boyfriend ni Lovely ang anak ni Jose na si Benj Manalo.

Two years na raw ang relasyon nila at may isang taon na rin silang nagsasama sa iisang bubong.

Si Benj ay isang theater actor at kasalukuyang lumalabas sa musical na Rak of Aegis, kung saan kasama nito si Aicelle Santos. Napapanood din siya sa ilang programa ng ABS-CBN.

Kapatid niya ang indie film actor na si Nicco Manalo at may anak na rito ito from a previous relationship.

My lovely wife.. I love you so much momsie...@lovelycrisha

A photo posted by Benj Manalo (@benj_manalo) on



Maganda naman daw ang pagtanggap ni Jose kay Lovely bilang girlfriend ng kanyang anak.

Kuwento ni Lovely, “Okey naman po kami ni Daddy Jose, lalo pa’t magkasama pa kami sa Sunday PinaSaya.

“Isa siya sa mga nahihingan ko ng advice when it comes to comedy, idol ko po sila ni Kuya Wally [Bayola].

“Mabait po si Daddy Jose at lagi niyang kaming kinukumusta ni Benj.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovely sa presscon para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya, na ginanap sa Le Reve Events and Pool Place, sa Quezon City, noong Miyerkules, August 24.

HELPMATE. Ayon kay Lovely, wala pa sa plano nila ni Benj ang magpakasal.

Paliwanag niya, “Pareho kaming nagsisimula sa mga career namin sa showbiz.

“Kaya gusto naming mag-concentrate muna sa trabaho namin.

“Gusto rin naming makaipon muna bago kami pumasok sa pagpapakasal.”

Kuwento pa ni Lovely, “Tsaka inaalagaan ko po ang mamang ko, lola ko po siya.

“Pero siya ang nagpalaki sa akin simula noong bata ako.

“May sakit siya ngayon kaya ako ang nag-aalaga sa kanya, kasama namin siya ni Benj sa bahay.

“Gusto kong maibigay ang lahat ng puwede kong mabigay sa mamang ko habang kasama ko siya.

“Ang maganda kay Benj, tinutulungan niya ako sa pag-asikaso sa mamang ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya mas lalo siyang napapamahal sa akin.”

Alam naman daw ni Lovely na may gap ang mag-amang Jose at Benj. Ipinagdarasal daw niyang magkasundo na ang mag-ama.

“Si Benj naman, hindi siya nagkukuwento sa akin tungkol diyan, may nakakarating lang sa akin na mga usap-usapan.

“Dasal ko naman na one day ay magiging maayos ang lahat sa kanila.

“Daddy pa rin ni Benj si Jose, hindi puwedeng hindi sila magkasundo balang-araw.”

THANKFUL. Nagsimula si Lovely bilang isa sa mga dancer sa game show ni Willie Revillame na Wowowillie sa TV5.

Noong mawala ang show ay sinubukan ni Lovely ang suwerte niya sa ibang shows.

Lahad niya, “Marami po akong pinagdaanan bago ako makarating sa Sunday PinaSaya.

“Noong mag-audition ako para sa show, natuwa naman sila sa ginawa ko kasi habang sumasayaw ako, nag-i-Ilongga ako.

“Doon sila naaliw sa akin kaya kinuha nila akong maging regular guest.

“Dahil sa SPS, nakasama rin ako sa mga shows na Calle Siete at Conan, My Beautician.

“Ngayon ay part na ako ng pamilya ng Sunday PinaSaya.

“Malaki ang pasasalamat ko kina Direk Andrew de Real, Ms. Ai-Ai delas Alas, Gladys Guevarra, Daddy Jose.

“At sa iba pang pinaramdam sa akin na welcome ako sa pamilya ng SPS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN