Jackie Lou Blanco hopes newbie stars will "pay it forward" to upcoming showbiz hopefuls

IMAGE Instagram

Jackie Lou Blanco (center, with co-stars Tom Rodriguez and Edu Manzano) admits she always looks forward to working with young stars: "I feel na naka-contribute ako kung sino sila ngayon at sa success na na-achieve nila. Proud ako kapag may nakatrabaho ako na naging successful later on."


Isa si Jackie Lou Blanco sa mga gustong makatrabaho ang mga baguhang artista ngayon.

Ayon sa aktres, marami siyang natututunan sa mga bagong artista at natutuwa siya kapag masipag at seryoso sa trabaho ang mga ito.

“Naging baguhan din naman ako before.

“And to work noon with the veterans, like Eddie Garcia and Gloria Romero, parang ang sarap sa pakiramdam, kasi nagtiwala sila sa isang baguhan na makatrabaho nila.

“That’s why sa estado ko ngayon na veteran na rin ako kung tawagin, working with the new talents is something that I look forward to in every teleserye I'm in.

“I’ve been doing teleseryes for GMA-7 since 2002.

“In that span of 14 years, ilang mga baguhang artista na ang nakatrabaho ko.

“And some of them, nakikita ko na sikat na sila, they win acting awards, meron silang mga TV commercials, and some naman have their own families na.”

Patuloy ni Jackie Lou, “It’s just nice to reminisce na I worked with this actor or actress before noong nagsisimula siya. Now look at them, di ba?

“I feel na naka-contribute ako kung sino sila ngayon at sa success na na-achieve nila.

“Proud ako kapag may nakatrabaho ako na naging successful later on.

“Ang gusto ko naman sana ay they pay it forward sa ibang artista naman na nagsisimula rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie Lou sa press conference ng GMA primetime series na Someone To Watch Over Me, noong August 22, sa Le Reve Events and Pool Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Makakatrabaho niya rito ang Kapuso stars na sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Max Collins.

EXCITED TO WORK WITH NEWBIES. Ayon kay Jackie, excited siyang makatrabaho sina Lovi, Tom, at Max dahil marami siyang magagandang naririnig mula sa mga nakatrabaho nila noon.

Aniya, “Importante sa akin yung maganda ang pakikisama mo sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang magiging basehan ng marami sa kung anong klaseng katrabaho ka.

“I’ve been in the business for more than three decades na and I’ve worked with so many people na.

“May mga okey, may mga hindi, pero you learn to adjust to all of that kasi yun ang pakikisama.

“I heard so many good things about sa tatlong mga batang ito.

“And I'm impressed kasi ang gagaling pa nilang umarte.

“Talagang nasa kanila na yung masasabi mong star quality.

“Like si Tom, when I watched him sa My Husband’s Lover, I wanted to work with him talaga.

“Kasi iba ang range niya as an new actor, e.

“There were attempts na i-cast ako sa teleserye na bida siya, pero nagkakataon na may ongoing akong ibang teleserye.

“But this time, okey na ako and I was so happy na I get to play his mom dito sa Someone To Watch Over Me.”

Dagdag pa ni Jackie Lou, “Si Lovi naman, I first worked with her sa LaLola and then sa Legacy. Since then, I knew that this girl would go places.

“Napaka-sensitive niyang artista and ang galing umiyak.

“Alam mong galing talaga sa puso niya ang mga nilalabas niyang emotions on TV.

“Si Max lang ang hindi ko nakakatrabaho in any teleserye.

“But I heard so many good things about her mula kay Direk Maryo J. de los Reyes.

“And she’s so beautiful. When I see her on the monitor, she's stunning.

“One of the beautiful faces we have on television right now.”

WORKING WITH EDU AGAIN. Isa pang ikinatuwa ni Jackie ay ang muling makatrabaho si Edu Manzano na nagbabalik-Kapuso sa Someone To Watch Over Me.

Saad niya, “Sa totoo lang, na-miss ko si Doods.

“Nakaka-miss yung mga harmless jokes niya on everyone.

“Kapag may napagtripan ‘yan, he will never stop making everyone laugh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I only did a few movies with Doods before; like Misis Mo, Misis Ko, and Ama, Ina, Anak.

“But we knew each other for a long time, kasi iisa lang ang circle of friends namin.

“Yes, I'm happy that he’s back to acting and hindi pa rin siya nagbabago.

“He’s born to entertain everybody!”

CONTRACT SIGNING. Ibinalita rin ni Jackie na pumirma siya noong nakaraang buwan ng managerial contract with GMA Artist Center.

Thankful si Jackie sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network kaya naisipan niyang magpa-manage na sa GMAAC.

Kabilang sa mga teleserye ni Jackie with GMA ay ang Because of You, Destiny Rose, Hiram Na Alaala, Genesis, Indio, Together Forever, Kasalanan Bang Ibigin Ka, Legacy, Blusang Itim, Dwarfina, Basahang Ginto, Rosalinda, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Magdusa Ka, Sinasamba Kita, Captain Barbell, at Ang Iibigin Ay Ikaw.

Aniya, “Hindi ako nakakalimutang bigyan parati ng GMA-7 ng show.

“From the start of my career naman, nasa GMA-7 na ako with GMA Supershow.

“Then, I started doing teleseryes for them since 2002 at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako.

“I just like to say that I’m happier with putting my trust with GMAAC.

“And I look forward for more good projects in the future with them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN