Sam Concepcion speaks up on rumored romance with Kiana Valenciano

IMAGE Glen Sibonga

Sam Concepcion clarifies rumored romance with Kiana Valenciano: "I don't wanna say anything else. I'm sure maiintindihan niyo naman iyon, di ba? I'm sure gets niyo naman na you can't really say anything yet until there's something to talk about."


Nananatiling tikom ang bibig ni Sam Concepcion tungkol sa rumored relationship nila ni Kiana Valenciano matapos maging usap-usapan ang madalas na pagkakakita sa kanila na magkasama, at gayundin nang kumalat sa Internet ang litrato kunsaan hinalikan ni Sam sa pisngi si Kiana.

Hiningan ng paglilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam tungkol sa naturang rumored relationship nila.

Pero sagot ng Kapamilya singer-actor, “Paglilinaw? Wala pa naman akong kailangang linawin.

“Pero pag kailangan na ng paglilinaw, lilinawin ko.”

Pero ano na ba ang status ng relationship nila ni Kiana?

“I don’t wanna say anything else.

“I’m sure maiintindihan niyo naman iyon, di ba?

“I’m sure gets niyo naman na you can’t really say anything yet until there’s something to talk about.”

Napag-usapan din sa Tonight With Boy Abunda ang kissing photo nila, at ang sabi ng host nitong si Boy Abunda kung may dapat aminin ay aminin.

Ano ang comment niya rito?

“Sasabihin ko kay Tito Boy… kay Tito Boy muna para siya ang mauna!” tugon ni Sam sabay tawa.

Mas pinipili ba niyang huwag munang isapubliko ang tungkol sa kanila ni Kiana dahil na-trauma siya dati noong naging open siya sa kanyang past relationship?

Mabilis niyang tanggi, “No, no, no, I wouldn’t say that.

“Hindi naman. We’re very, very close and whatever happens with us, we're gonna stay that way.

“I’ve known her for quite a long time.”

Pero nakausap na ba niya ang ama ni Kiana na si Gary Valenciano?

“Tungkol saan? Marami kaming pinag-uusapan – music…”

Tungkol sa daughter niya?

“Huwag muna tayong magsali ng mga tao.

“Nakakahiya, e, nahihiya ako,” pakiusap ni Sam.

Nakausap ng PEP si Sam sa launching ng Smart Bro Bus na ginanap sa Tipsy Pig Gastropub sa Capitol Commons, Pasig City, noong Agosto 26.

Kasabay nito ay ipinakilala rin si Sam bilang bagong ambassador at miyembro ng Smart Brokada, na kinabibilangan din nina Michael Pangilinan, Marco Gumabao, MJ Lastimosa, at Christian Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECTS. Sa halip na love life, mas gusto ngang pag-usapan ni Sam ang mga proyektong ginagawa niya ngayon.

“I have a new album out under Universal Records. Siyempre pinu-promote ko iyan.

“I’m gonna be promoting my second single very soon, and I’m gonna be shooting a video out of the country.”

May bagong teleserye rin daw siyang gagawin sa ABS-CBN mula sa produksiyon ng Star Creatives.

Lahad niya, “I’m gonna be taping for a teleserye very soon. Pero hindi ko pa alam yung details e.”

Ipinu-promote din ni Sam ang book version ng No Filter, ang play na ginawa niya noong isang taon kunsaan nakasama niya sa cast ang kuya ni Kiana na si Paolo Valenciano.

Siyempre masaya rin si Sam na kabilang na siya sa Smart Brokada, kunsaan totoong mga barkada niya in real life na sina Michael at Marco ang kasama niya.

“It’s perfect na sila yung kasama ko kasi I’m friends with them, you know, in front and behind the camera.

“Totohanan talaga yung pagiging barkada or should we say brokada namin.

“Si Michael, siyempre naging close kami sa Your Face Sounds Familiar.

“Si Marco sa Star Magic, medyo matagal na rin.

“I’m sure mas magkakaroon kami ng bonding when we go on tour.”

Excited na nga raw siya para sa kanilang roadtrip sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Natutuwa rin siyang magkakaroon siya ng additional venue para sa kantang pagkanta.

“Sila Michael kasi matagal na silang nagtu-tour.

“Ngayon magkasama na kami at mayroon na kaming bus.

“I’m excited for what’s to come.

“Excited din ako to meet lahat ng mga tao and sing for them when we go on tour around the country and go to different schools.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN