Cloie Syquia-Skarne to represent Sweden in Miss Earth 2016

IMAGE Cloie Syquia Skarne Instagram

Cloie Syquia-Skarne, daughter of Gabby Concepcion and half-sister of KC Concepcion, was crowned Miss Earth Sweden 2016 at the Miss Universe Sweden 2016 coronation night held in Stockholm, Sweden, Monday night, August 28.


Nabigo si Cloie Syquia-Skarne na makuha ang Miss Universe Sweden 2016 title sa grand finals na ginanap kagabi, August 28 (August 29 ng umaga, Philippine time), sa Caf Opera, Stockholm, Sweden.

Nonetheless, si Cloie ang official representative ng Sweden sa Miss Earth 2016 na magaganap sa October dahil siya ang nanalo ng Miss Earth Sweden 2016 crown.

Ang actress at television host na si Imelda Schweighart ng Pilipinas ang kapwa Pilipina na makakalaban ni Cloie sa Miss Earth 2016.

Si Angelia Ong ng Pilipinas ang reigning Miss Earth.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Cloie sa mga sumuporta at naniwala sa kanya:

“I'm MISS EARTH SWEDEN 2016! Thank you to those who have supported me and believed in me. I would not have been who I am today without you.”

Well-publicized sa Pilipinas ang pagsali ni Cloie sa Miss Universe Sweden dahil anak siya ni Gabby Concepcion at half-sister ni KC Concepcion.

Umuwi ng Pilipinas si Cloie dahil dito siya nag-training para sa Miss Universe Sweden, samantalang hiningi ng kanyang ina na si Jenny Syquia ang suporta ng lahat para iboto ang anak niya sa online voting ng Miss Universe Sweden 2016.

Kasabay ng coronation kagabi ng Miss Universe Sweden at Miss Earth Sweden 2016 winners ang mga nanalo ng Miss International Sweden at Mr. Universe Sweden titles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN