Mayor Cristina Gonzales-Romualdez: Marcos deserves a proper hero's burial

IMAGE Cristina Romualdez Instagram

Being connected by marriage to the Romualdez-Marcos family, Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez is asked for her opinion on hero's burial for Ferdinand Marcos. She says, "Just for the respect, he deserves a proper burial, yun lang naman ang sa akin."


Dadalo raw si Tacloban City Mayor Cristina "Kring Kring" Gonzales-Romualdez kung sakaling matuloy ang burial ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani bilang huling pagbibigay respeto sa dating pangulo ng bansa.

Si Cristina ay asawa ng former mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez, anak ni Alfredo Romualdez na kapatid naman ng dating first lady na si Imelda Romualdez-Marcos.

Si Imelda ang biyuda ni yumaong President Marcos.

Pahayag ni Cristina, “For me, as an in-law, I feel na he deserves a proper hero's burial because he was a soldier.

“He was the president of the Philippines for at least twenty years.

“So, just for the respect, he deserves a proper burial, yun lang naman ang sa akin.

“We need to move forward, forget the past, and leave the past behind, and do better for the country.”

Dahil marami ang hindi sang-ayon sa hero’s burial para kay Marcos, nag-suggest si Senator Richard Gordon na maglaan ng isang lugar para sa mga dating presidente at dun ilibing ang labi nito.

Open naman daw si Cristina sa idea.

“Dapat siguro ganun, puwedeng ganun, that's a good idea.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Cristina sa contract-signing ng kanyang anak na si Sofia Romualdez, na magiging bahagi na ng Viva Artists Agency.

GUIDING SOFIA. Sa una raw ay medyo alanganin pa sina Cristina at Alfred na payagan si Sofia sa gustuhin nitong maging professional singer.

Dahil na rin sa hilig ng anak sa music ay handa naman silang suportahan ito.

Saad ni Mayor Cristina, “Siyempre, babae kasi, kaya gusto namin ay bantayan talaga.

“Nakita naman namin yung passion niya sa music, nagpa-piano, naggi-guitar, she composes songs.

“So we want to give her that freedom sa music scene, to explore her talent, kaya pinayagan na rin namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging stage mother kaya siya?

Natatawang tugon ng actress-turned-politician, “Wala yata akong time na maging stage mother.

“Pero once in a while, weekends siguro, I can come.

“But she comes with me kapag hindi siya busy sa school or kapag free siya sa work niya.

“Babae kasi, ayokong maano.”

Ano ang bilin ni Cristina kay Sofia ngayong sasabak na ito sa entertainment industry?

“I always tell her not to forget to always pray to the Lord.

“Whether she's doing school work or showbiz work, don't forget to pray every day and to love people.

“Stay humble, talk to anyone kahit sino pang tao-from the highest or lowest position, yung mga ganun.”

AT WORK AS MAYOR. Dagdag pa ni Cristina, malaking factor ang mahabang experience niya sa showbiz para magabayan ang anak nang husto.

Sambit niya, “In showbiz kasi, you meet a lot of people.”

Ganun din sa politika, kumusta naman si Cristina sa kanyang bagong tungkulin bilang mayor ng Tacloban City?

Aniya, “Well, in a way mahirap kasi laging busy, maraming ginagawa.

“Pero nag-i-enjoy ako kasi I was a councilor nga for nine years, so parang na-practice na ako nang matagal.

“Naging training ground ko yun, mas dumami lang talaga ang work.”

Dugtong pa niya, “Tapos yung implementation is more of your responsibility.

“Kapag may sunog, ini-expect na nandiyan ka.

“Like noong isang araw, may shooting incident, nandun ako, things like that.

“Kung may ulan-ulan, tatawagan ko na ang management disaster team namin, ‘Nandiyan na ba ang mga lifeboat, naka-ready na ba?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN