James Reid on Nadine Lustre: "I'm more in love with her."

IMAGE Noel Orsal

James Reid and Nadine Lustre flew to Greece to shoot some scenes for their new ABS-CBN primetime series Till I Met You, which will air starting tonight, August 29.


Aminado ang magkasintahang sina James Reid at Nadine Lustre na dati pang matatag ang pagmamahalan nila.

Natanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa kung mas minahal ba nila ang isa't isa nang gawin nila ang bagong ABS-CBN primetime teleseryeng pinagbibidahan nila, ang Till I Met You, na magsisimulang umere ngayong gabi, Agosto 29.

Lalo na nga't sa romantikong mga lugar pa sa Greece kinunan ang ilan sa kanilang mga eksena.

Sabi ni James, "Well, I mean not because of this show, but every day I think I'm more in love with her.

"But it definitely helps yung mga romantic scenes. We're lucky that we get to do that for work.

"You know, other couples they do that in their spare time to go on finding the sunset and everything which is romantic, but we get to do that for work.

"And we're so lucky."

Kaya ba realistic ang mga eksena nila?

"It is!" diin pa ng aktor.

Dagdag naman ni Nadine, "At saka ang tagal na nga rin po kasi naming magkakilala, so parang naging intimate na lang noong nag-aminan.

"Pero even before naman talaga nae-enjoy na po namin yung company ng isa't isa."

Pero may mga bagong nadidiskubre pa ba si Nadine kay James?

Tugon ng Kapamilya actress, "Parang wala naman… kasi matagal na po kasi kaming magkakilala.

"At saka every day magkasama po kami halos, so wala po talagang… parang lahat po alam ko na."

Paano na lang niya ide-describe ang relationship nila?

Ayon kay Nadine, "Para po kaming best friends na lahat ano… at saka hindi… paano ko ba ie-explain?"

Dahil ba nagsimula sila sa pagiging magkaibigan?

"Oo, sa pagiging friends po kasi, doon kami nagsimula."

Kaya raw nagtuluy-tuloy pa rin kung anuman ang pagtrato nila sa isa't isa noong nagsimula silang maging magkaibigan hanggang ngayong magkarelasyon na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP sina James at Nadine sa grand presscon ng Till I Met You noong Linggo, Agosto 28, sa Le Reve Events Venue sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Nakasama nila sa presscon ang iba pang cast na kinabibilangan nina JC Santos, Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Pokwang, at Angel Aquino; gayundin ang direktor nilang si Antoinette Jadaone.

SIXTH MONTHSARY IN GREECE. Kasabay ng pagte-taping nila sa Greece ay nag-celebrate din sina James at Nadine ng kanilang sixth monthsary.

Paano sila nag-celebrate?

Ayon kay James, "Actually, we were working then in different locations."

Dugtong ni Nadine, "Two units po kasi kami nung time na iyon, so magkahiwalay po kami.

"But then, okey lang, kasi it's a new experience na nandoon din kami kung saan namin gusto.

"I mean, Greece is one of our dream destinations po talaga. Masaya naman po."

Nag-dinner date ba sila pagkatapos ng taping?

Ayon kay Nadine, "Palagi naman po.

"Kahit hindi po noong monthsary namin, as in pag may time.

"Kasi usually po day effect lang po kami, so pag dinner na humihiwalay yung iba, gustong puntahan itong restaurant na ito lalo na po sa Santorini.

"So, may time naman po kami together," paliwanag ni Nadine.

Sila ba yung tipong nagbibigayan ng regalo sa isa't isa during their monthsary?

Sagot ni James, "Monthsary? No."

Sinegundahan din ito ni Nadine, "No. I mean, basta magkasama po kami, we're okay."

Kung sa una nilang teleseryeng On The Wings of Love ay naging paborito nila ang Lake Tahoe sa Amerika, dito sa Till I Met You, anong lugar sa Greece ang nagustuhan nila?

Sabi ni James, "Sa Oia in Santorini. Parang yung nakikita sa postcard yung may cliff tapos may blue and white houses, buildings. It's so beautiful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN