President Rodrigo Duterte continues word war with Senator Leila de Lima: "Dapat diyan mag-resign."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Senator Leila De Lima on President Rodrigo Duterte's call for her resignation: "Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I am neither weak nor guilty."


Muling hinikayat ni President Rodrigo Duterte si Senator Leila de Lima na mag-resign sa gitna ng akusasyong nangunguna ang senadora sa diumano'y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Patutsada ni President Duterte kay Senator De Lima: “If I were De Lima—ladies and gentlemen—I'll hang myself.

“Hindi lang life [niya]... The innermost of your core as a female is being serialized every day.

“Dapat diyan mag-resign.”

Base ito sa ulat ni Adrian Ayalin ng TV Patrol, Lunes ng gabi, Agosto 29.

Hindi naman nagpatinag sa Senator De Lima sa hamon ni President Duterte na magbitiw siya sa puwesto.

Nanindigan ang senadora na walang katotohanan ang akusasyong sangkot siya sa illegal drug trade.

“Mag-resign na lang ako. Nag-cross na sa mind ko 'yan.

“But after much reflection, at uulitin ko ngayon, resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness.

“And I am neither weak nor guilty.”

Tumanggi rin si Senator De Lima na humarap sa imbestigasyon ng Kongreso sa isyu ng illegal drugs.

Ito ay sa paniniwalang hindi siya mabibigyan ng pagkakataong depensahan ang kanyang sarili sa Kongreso.

“I am already judged guilty. I am finished, in so far as the president is concerned, kaya nga ako pinapa-resign.

“Tapos haharap ako dun? Wala na akong kahihiyan sa sarili ko nun, a.”

Matatandaang limang araw ang nakararaan mula nang inilabas ng pangulo ang drug “matrix” na nag-uugnay sa mga sumusunod: dating Department of Justice Secretary De Lima; dating driver ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan; dating DOJ Undersecretary Francis Baraan; Urbiztondo, Pangasinan board member Raul Sison; Pangasinan provincial administrator Rafael Baraan; Pangasinan Representative Amado Espino; at dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayo.

Sa kabilang banda, patuloy rin ang pangunguna ni Senator De Lima sa imbestigasyon ng Senado sa diumano'y talamak na extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN